-
Pitong Pastol, Walong Duke—Sino ang Inilalarawan Nila Ngayon?Ang Bantayan—2013 | Nobyembre 15
-
-
3 Sinabi ni Isaias: “Narito! Ang dalaga mismo ay magdadalang-tao nga, at magsisilang siya ng isang anak na lalaki, at tatawagin nga niyang Emmanuel ang pangalan nito. . . . Bago matutuhan ng bata na itakwil ang masama at piliin ang mabuti, ang lupain ng dalawang hari na kinatatakutan mo nang may panlulumo [Sirya at Israel] ay lubusang pababayaan.” (Isa. 7:14, 16) Ang unang bahagi ng hulang ito ay karaniwang ikinakapit sa kapanganakan ng Mesiyas, at tama naman iyon. (Mat. 1:23) Pero ang “dalawang hari,” ang mga hari ng Sirya at Israel, ay hindi na banta sa Juda noong unang siglo C.E., kaya ang hula tungkol kay Emmanuel ay tiyak na nagkaroon ng unang katuparan sa panahon ni Isaias.
4 Di-nagtagal matapos bigkasin ni Isaias ang hulang iyon, nagdalang-tao ang asawa niya at nagsilang ng isang batang lalaki na pinanganlang Maher-salal-has-baz. Maaaring ang batang ito ang “Emmanuel” na tinutukoy ni Isaias.a Noong panahon ng Bibliya, ang bagong-silang na sanggol ay maaaring bigyan ng isang pangalan bilang paggunita sa isang espesyal na pangyayari, pero ibang pangalan naman ang tawag sa kaniya ng kaniyang mga magulang at kamag-anak. (2 Sam. 12:24, 25) Walang ebidensiya na si Jesus ay tinawag sa pangalang Emmanuel.—Basahin ang Isaias 7:14; 8:3, 4.
-
-
Pitong Pastol, Walong Duke—Sino ang Inilalarawan Nila Ngayon?Ang Bantayan—2013 | Nobyembre 15
-
-
a Ang salitang Hebreo na isinaling “dalaga” sa Isaias 7:14 ay maaaring mangahulugang isang babaing may asawa o isang birhen. Kaya ang salitang ito ay maaaring tumukoy sa asawa ni Isaias at sa Judiong birhen na si Maria.
-