Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Bagong Sanlibutan—Naroroon Ka Kaya?
    Ang Bantayan—2000 | Abril 15
    • 6. Ano ang patiunang sinasabi ng ikaapat na hula na bumabanggit sa “mga bagong langit at isang bagong lupa”?

      6 Suriin naman natin ngayon ang natitira pang pagbanggit sa pananalitang “mga bagong langit at isang bagong lupa,” sa Isaias 66:22-24: “ ‘Kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa na aking ginagawa ay nananatili sa harap ko,’ ang sabi ni Jehova, ‘gayon patuloy na mananatili ang supling ninyo at ang pangalan ninyo. At tiyak na mangyayari na mula sa bagong buwan hanggang sa bagong buwan at mula sa sabbath hanggang sa sabbath ang lahat ng laman ay paroroon upang yumukod sa harap ko,’ ang sabi ni Jehova. ‘At sila ay yayaon nga at titingin sa mga bangkay ng mga taong sumalansang laban sa akin; sapagkat ang mismong mga uod na nasa kanila ay hindi mamamatay at ang kanilang apoy ay hindi papatayin, at sila ay magiging bagay na nakapandidiri sa lahat ng laman.’ ”

      7. Bakit natin masasabi na ang Isaias 66:22-​24 ay magkakaroon ng katuparan sa darating pang mga araw?

      7 Ang hulang ito ay kumapit sa mga Judio na muling nanirahan sa kanilang lupain, ngunit mayroon pa itong ibang katuparan. Iyan ay sa paglakad pa ng panahon mula nang isulat ang ikalawang liham ni Pedro at ang aklat ng Apocalipsis, yamang ang mga ito’y tumukoy sa isang panghinaharap na ‘bagong langit at lupa.’ Makikita natin ang dakila at lubos na katuparang iyan sa bagong sistema. Isaalang-alang ang ilang kalagayan na maaari nating tamasahin.

  • Ang Bagong Sanlibutan—Naroroon Ka Kaya?
    Ang Bantayan—2000 | Abril 15
    • 9 Sa kahawig na paraan, bawat isa sa mga tapat sa Diyos bilang bahagi ng bagong lupa, ang lipunan ng tunay na mga mananamba sa bagong sanlibutan, ay patuloy na mananatili sapagkat sila’y mag-uukol ng dalisay na pagsamba sa Maylalang ng lahat ng bagay. Iyan ay hindi magiging manaka-naka o nagbabakasakaling pagsamba lamang. Ang Kautusan ng Diyos, na inilaan sa Israel sa pamamagitan ni Moises, ay humiling ng tiyak na mga gawang pagsamba bawat buwan, na itinatakda sa bagong buwan, at bawat linggo, na itinatakda naman sa araw ng Sabbath. (Levitico 24:5-9; Bilang 10:10; 28:9, 10; 2 Cronica 2:4) Kaya ang Isaias 66:23 ay tumutukoy sa regular at patuluyang pagsamba sa Diyos, linggu-linggo at buwan-buwan. Ang ateismo at relihiyosong pagpapaimbabaw ay hindi na iiral doon. “Ang lahat ng laman ay paroroon upang yumukod sa harap” ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share