Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ituwid Natin ang mga Bagay-Bagay”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 5. Ano ang ilan sa mga gawang pagsamba na isinagawa ng mga Judio, at bakit naging isang “pasanin” kay Jehova ang mga ito?

      5 Hindi kataka-taka na gumamit ngayon si Jehova ng mas matinding pananalita! “Tigilan na ninyo ang pagdadala pa ng walang-kabuluhang mga handog na butil. Insenso​—ito ay karima-rimarim sa akin. Bagong buwan at sabbath, ang pagtawag ng isang kombensiyon​—hindi ko matiis ang paggamit ng mahiwagang kapangyarihan kasabay ng kapita-pitagang kapulungan. Ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga kapanahunan ng pista ay kinapopootan ng aking kaluluwa. Sa akin ay naging pasanin ang mga iyon; ako ay pagod na sa pagtitiis sa mga iyon.” (Isaias 1:13, 14) Ang mga handog na butil, insenso, mga Sabbath, at kapita-pitagang mga kapulungan ay pawang mga bahagi ng Kautusan ng Diyos sa Israel. Hinggil sa “mga bagong buwan,” ang Kautusan ay basta nagsasabi na kailangang ipagdiwang ang mga ito, subalit may ilang kanais-nais na tradisyon na naidagdag sa pagdiriwang nito. (Bilang 10:10; 28:11) Ang bagong buwan ay itinuring na isang buwanang sabbath, kung kailan ang mga tao ay hindi magtatrabaho at magtitipon pa nga upang maturuan ng mga propeta at ng mga saserdote. (2 Hari 4:23; Ezekiel 46:3; Amos 8:5) Ang gayong mga pagdiriwang ay hindi naman mali. Ang suliranin ay nasa pagsasagawa ng mga ito upang magpakitang-tao lamang. Karagdagan pa, ang mga Judio ay bumabaling sa “mahiwagang kapangyarihan,” mga gawaing espiritistiko, kaalinsabay ng kanilang pormal na pagsunod sa Kautusan ng Diyos.b Kaya, ang kanilang mga gawang pagsamba kay Jehova ay isang “pasanin” sa kaniya.

  • “Ituwid Natin ang mga Bagay-Bagay”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • b Ang Hebreong salita para sa “mahiwagang kapangyarihan” ay isinalin ding “bagay na nakasasakit,” “bagay na mahiwaga,” at “mali.” Alinsunod sa Theological Dictionary of the Old Testament, ang mga propetang Hebreo ay gumamit ng salitang ito upang tuligsain ang “kasamaang dulot ng maling paggamit ng kapangyarihan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share