Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Nangyayari Kapag Namatay Tayo?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Paano makakatulong sa atin ang katotohanan tungkol sa kamatayan?

      Takót mamatay ang maraming tao. Natatakot din sila sa mga patay! Pero matutulungan tayo ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa kamatayan. Sinabi ni Jesus: “Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32) Itinuturo ng ilang relihiyon na may kaluluwang nananatiling buháy, o imortal, kapag namatay ang isang tao. Pero kabaligtaran iyan ng itinuturo ng Bibliya. Itinuturo din nito na hindi na nagdurusa ang mga patay. Wala na silang alam sa nangyayari at hindi na nila tayo kayang saktan. Kaya walang dahilan para sambahin o payapain sila. At hindi rin sila kailangang ipanalangin.

      Sinasabi ng ilang tao na nakakausap nila ang mga patay. Pero imposible iyon. Gaya ng natutuhan natin, ‘wala nang alam ang mga patay.’ Inaakala nila na nakakausap nila ang mga namatay nilang mahal sa buhay. Pero alam mo ba na ang nakakausap nila ay mga demonyo? Nagpapanggap lang ang mga demonyo bilang mga taong namatay. Dahil alam natin ang katotohanan tungkol sa mga patay, napoprotektahan tayo nito sa mga demonyo. Nagbababala si Jehova sa mga gustong makipag-usap sa mga patay kasi alam niya na mapapahamak tayo kapag nakipag-usap tayo sa mga demonyo.​—Basahin ang Deuteronomio 18:​10-12.

  • Ano ang Nangyayari Kapag Namatay Tayo?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 4. Makakatulong sa atin ang katotohanan tungkol sa kamatayan

      Kapag alam natin ang katotohanan tungkol sa kalagayan ng mga patay, hindi na tayo matatakot sa kanila. Basahin ang Eclesiastes 9:10. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Kaya ba tayong saktan ng mga patay?

      Napoprotektahan tayo ng mga katotohanan sa Bibliya mula sa mga turo na dapat sambahin o payapain ang mga patay. Basahin ang Isaias 8:19 at Apocalipsis 4:11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Sa tingin mo, ano kaya ang nararamdaman ni Jehova sa mga tao na sumasamba o humihingi ng tulong sa mga patay?

      Mga larawan: Eksena sa video na ‘Ano ang Kalagayan ng mga Patay?—Video Clip.’ 1. Isang Lalaking nakaluhod at nananalangin sa isang lapida at naghahandog ng mga pagkain. 2. Tatlong lalaking sumasayaw na isang kaugalian sa isang tribo. 3. Parada ng mga taong nakamaskara ng bungo at may dalang larawan ng kalansay sa Araw ng mga Patay.

      Napapalaya tayo ng katotohanan tungkol sa mga patay mula sa mga kaugalian at turo na ayaw ni Jehova

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share