Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sa Aba ng mga Rebelde!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • Ang Huwad na Pagsamba ay Nagbubunga ng Karahasan

      14, 15. (a) Ano ang nagiging resulta ng pagsamba sa demonyo? (b) Inihula ni Isaias na ang Israel ay daranas ng anong patuloy na pagdurusa?

      14 Ang huwad na pagsamba, sa katunayan, ay pagsamba sa mga demonyo. (1 Corinto 10:20) Gaya ng naipakita bago ang Baha, ang impluwensiya ng mga demonyo ay umaakay sa karahasan. (Genesis 6:11, 12) Kung gayon, hindi kataka-taka na nang naging apostata ang Israel at nagpasimulang sumamba sa mga demonyo, napuno ang lupain ng karahasan at kabalakyutan.​—Deuteronomio 32:17; Awit 106:35-38.

      15 Sa pamamagitan ng maliwanag na pananalita, inilarawan ni Isaias ang paglaganap ng kabalakyutan at karahasan sa Israel: “Sapagkat ang kabalakyutan ay nagningas na gaya ng apoy; ang mga tinikang-palumpong at mga panirang-damo ay lalamunin nito. At ito ay magliliyab sa mga palumpungan sa kagubatan, at ang mga iyon ay paiitaas na gaya ng pag-ilanlang ng usok. Sa poot ni Jehova ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain, at ang bayan ay magiging gaya ng gatong sa apoy. Walang sinumang mahahabag maging sa kaniyang kapatid. At ang isa ay puputol sa kanan at tiyak na magugutom; at ang isa ay kakain sa kaliwa, at tiyak na hindi sila mabubusog. Kakainin ng bawat isa sa kanila ang laman ng sarili niyang bisig, ang Manases sa Efraim, at ang Efraim sa Manases. Magkasama silang magiging laban sa Juda. Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.”​—Isaias 9:18-21.

      16. Paano natupad ang mga salita ng Isaias 9:18-21?

      16 Gaya ng isang liyab na kumakalat sa mga tinikang palumpong, ang mabilis na paglaganap ng karahasan ay hindi na mapigilan anupat madaling nakaaabot “sa mga palumpungan sa kagubatan,” na lumilikha ng malaking sunog ng karahasan sa kagubatan. Inilarawan ng mga komentarista sa Bibliya na sina Keil at Delitzsch ang antas ng karahasan bilang “ang pinakamalupit na pagpuksa sa sarili sa panahon ng isang magulong gera sibil. Kapos sa anumang matimyas na damdamin, kanilang nilamon ang isa’t isa nang walang kabusugan.” Malamang na ang mga tribo ng Efraim at Manases ay pantanging binanggit dito sapagkat sila ang pangunahing mga kinatawan ng kaharian sa hilaga at, bilang mga inapo ng dalawang anak na lalaki ni Jose, sila ang may pinakamalapit na kaugnayan sa isa’t isa mula sa sampung tribo. Gayunman, sa kabila nito, nahinto lamang ang pagiging marahas nila sa kanilang mga kapatid nang sila’y makipagdigma laban sa Juda sa timog.​—2 Cronica 28:1-8.

  • Sa Aba ng mga Rebelde!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • [Larawan sa pahina 139]

      Ang kabalakyutan at karahasan ay lumaganap sa Israel gaya ng isang sunog sa kagubatan

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share