Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Diyos ay Pag-ibig”
    Ang Bantayan—2003 | Hulyo 1
    • 16. Kapag pinatawad na ni Jehova ang ating mga kasalanan, bakit tayo makatitiyak na malinis na ang pangmalas niya sa atin mula noon?

      16 Nasubukan mo na bang mag-alis ng mantsa sa isang putiang damit? Marahil sa kabila ng lahat ng iyong pagsisikap, halata pa rin ang mantsa nito. Pansinin kung paano inilalarawan ni Jehova ang lawak ng kaniyang pagpapatawad: “Bagaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ng iskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng niyebe; bagaman ang mga ito ay maging pula na gaya ng telang krimson, ang mga ito ay magiging gaya pa man din ng lana.” (Isaias 1:18) Ang salitang “iskarlata” ay nagpapahiwatig ng isang matingkad na kulay pula.a Ang “krimson” ay isa sa pinakamatitingkad na kulay ng tininaang tela. Hindi natin kailanman maaalis ang mantsa ng kasalanan sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap. Subalit kayang alisin ni Jehova ang mga kasalanan na gaya ng iskarlata at krimson at paputiin ang mga ito na gaya ng niyebe o di-tininaang lana. Kaya kapag pinatawad na ni Jehova ang ating mga kasalanan, hindi natin kailangang isipin na ang mantsa ng gayong mga kasalanan ay nananatiling taglay natin habambuhay.

  • “Ang Diyos ay Pag-ibig”
    Ang Bantayan—2003 | Hulyo 1
    • a Sinasabi ng isang iskolar na ang iskarlata “ay isang hindi kumukupas, o permanenteng kulay. Hindi ito kayang alisin ng hamog, ng ulan, ng paglalaba, ni ng matagal na paggamit.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share