Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaligtasan at Kagalakan sa Ilalim ng Paghahari ng Mesiyas
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 6. Magiging anong uri ng tagapamahala ang inihulang Mesiyas?

      6 Magiging anong uri ng tagapamahala ang Mesiyas? Siya ba’y magiging katulad ng malupit at matigas ang ulong Asiryano na nagwasak sa sampung-tribong kaharian ng Israel sa hilaga? Tunay na hindi. Tungkol sa Mesiyas, sinabi ni Isaias: “Sasakaniya ang espiritu ni Jehova, ang espiritu ng karunungan at ng pagkaunawa, ang espiritu ng payo at ng kalakasan, ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova; at magkakaroon siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova.” (Isaias 11:2, 3a) Ang Mesiyas ay pinahiran, hindi ng langis, kundi ng banal na espiritu ng Diyos. Ito’y nangyari noong bautismo ni Jesus, nang makita ni Juan na Tagapagbautismo ang banal na espiritu ng Diyos na bumababa kay Jesus sa anyo ng isang kalapati. (Lucas 3:22) Ang espiritu ni Jehova ay ‘napasa’ kay Jesus, at pinatunayan niya ito nang siya’y kumilos taglay ang karunungan, kaunawaan, payo, kapangyarihan, at kaalaman. Anong inam na mga katangian ng isang tagapamahala!

  • Kaligtasan at Kagalakan sa Ilalim ng Paghahari ng Mesiyas
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 8. Paano nakasusumpong si Jesus ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova?

      8 Ano ang pagkatakot kay Jehova na ipinamamalas ng Mesiyas? Walang alinlangang si Jesus ay hindi nasisindak sa Diyos, anupat natatakot sa kaniyang kahatulan. Sa halip, ang Mesiyas ay may magalang na pagkatakot sa Diyos, isang maibiging pagpipitagan sa kaniya. Ang taong may-takot sa Diyos ay laging nagnanais na ‘gumawa ng mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya,’ gaya ng ginagawa ni Jesus. (Juan 8:29) Sa pamamagitan ng salita at halimbawa, itinuturo ni Jesus na walang hihigit pang kagalakan kaysa lumakad araw-araw sa kapaki-pakinabang na pagkatakot kay Jehova.

      Isang Matuwid at Maawaing Hukom

      9. Anong halimbawa ang ibinigay ni Jesus sa mga hinihilingang humatol sa mga usapin sa loob ng Kristiyanong kongregasyon?

      9 Inihula ni Isaias ang marami pang katangian ng Mesiyas: “Hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga.” (Isaias 11:3b) Kung kayo ay kailangang tumayo sa harapan ng isang hukuman, hindi ba kayo magpapasalamat kung may gayong klase ng hukom? Sa pagganap ng kaniyang tungkulin bilang Hukom ng buong sangkatauhan, ang Mesiyas ay hindi madadala ng mga huwad na pangangatuwiran, tusong mga taktika sa silid-hukuman, mga tsismis, o panlabas na mga salik, gaya ng kayamanan. Kaniyang nahahalata ang pandaraya at ang nakikita ay higit pa sa di-mabuting panlabas na mga anyo, anupat natatarok “ang lihim na pagkatao ng puso,” “ang nakukubling pagkatao.” (1 Pedro 3:4, talababa sa Ingles) Ang pagkagaling-galing na halimbawa ni Jesus ay nagsisilbing huwaran para sa lahat ng mga inaatasang humatol sa mga usapin sa Kristiyanong kongregasyon.​—1 Corinto 6:1-4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share