Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ibinaba ni Jehova ang Isang Mapagmataas na Lunsod
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 17, 18. Ang pagkatalo ng Babilonya ay mangangahulugan ng anong mga pagpapala sa Israel?

      17 Ang pagbagsak ng Babilonya ay magiging kaginhawahan para sa Israel. Ito’y mangangahulugan ng paglaya mula sa pagkabihag at pagkakataon na makabalik sa Lupang Pangako. Kaya, si Isaias ngayon ay nagsabi: “Si Jehova ay magpapakita ng awa sa Jacob, at tiyak na pipiliin pa niya ang Israel; at bibigyan nga niya sila ng kapahingahan sa kanilang lupain, at ang naninirahang dayuhan ay makakasama nila, at ilalakip nila ang kanilang sarili sa sambahayan ni Jacob. At kukunin nga sila ng mga bayan at dadalhin sila sa kanilang sariling dako, at kukunin sila ng sambahayan ng Israel bilang kanilang pag-aari sa lupain ni Jehova bilang mga alilang lalaki at bilang mga alilang babae; at sila ang magiging mga mambibihag niyaong mga mayhawak sa kanila bilang bihag, at pamumunuan nila yaong mga sapilitang nagpapatrabaho sa kanila.” (Isaias 14:1, 2) Ang “Jacob” dito ay tumutukoy sa Israel sa kabuuan​—lahat ng 12 tribo. Si Jehova ay magpapakita ng awa kay “Jacob” sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa bansa na makauwi. Makakasama nila ang libu-libong banyaga, na marami sa kanila ay maglilingkod sa mga Israelita bilang mga katulong sa templo. Ang ilang Israelita ay magkakaroon pa nga ng awtoridad sa dating mga bumihag sa kanila.c

  • Ibinaba ni Jehova ang Isang Mapagmataas na Lunsod
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 19. Ano ang kinakailangan upang tamasahin ng Israel ang kapatawaran ni Jehova, at ano ang ating matututuhan dito?

      19 Gayunpaman, ang awa ni Jehova ay may kondisyon. Ang kaniyang bayan ay dapat na magpahayag ng taos na pagsisisi dahil sa kanilang mga kabalakyutan, na siyang nag-udyok sa Diyos upang sila’y malubhang parusahan. (Jeremias 3:25) Ang kusa at taos-pusong pagtatapat ay magdudulot ng pagpapatawad ni Jehova. (Tingnan ang Nehemias 9:6-37; Daniel 9:5.) Ang ganito ring simulain ay totoo sa ngayon. Yamang “walang taong hindi nagkakasala,” tayong lahat ay nangangailangan ng awa ni Jehova. (2 Cronica 6:36) Si Jehova, ang maawaing Diyos, ay maibiging nag-aanyaya sa atin na ipagtapat ang ating mga kasalanan sa kaniya, magsisi, at tumigil sa anumang maling landasin, upang tayo’y gumaling. (Deuteronomio 4:31; Isaias 1:18; Santiago 5:16) Ito’y hindi lamang nakatutulong upang mapanumbalik ang kaniyang pagsang-ayon sa atin kundi nagdudulot din sa atin ng kaaliwan.​—Awit 51:1; Kawikaan 28:13; 2 Corinto 2:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share