-
Kapayapaan—Ang TunayAng Bantayan—1989 | Disyembre 15
-
-
“[2] At mangyayari sa huling bahagi ng mga araw na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatag na matatayo sa itaas ng taluktok ng mga bundok, at tiyak na matataas sa itaas ng mga burol; at dadagsa roon ang lahat ng bansa. [3] At maraming bayan ang tiyak na paroroon at magsasabi: ‘Halikayo, kayong mga tao, at umahon tayo sa bundok ni Jehova, sa bayan ng Diyos ni Jacob; at tayo’y kaniyang tuturuan sa kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.’ Sapagkat mula sa Sion lalabas ang batas, at ang salita ni Jehova ay mula sa Jerusalem. [4] At tiyak na hahatol siya sa gitna ng mga bansa at magtutuwid ng mga bagay-bagay tungkol sa maraming bayan. At papandayin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit. Ang bansa ay hindi na magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.”
-
-
Kapayapaan—Ang TunayAng Bantayan—1989 | Disyembre 15
-
-
Kumusta naman sa ngayon? Pansinin na sa mensahe ni Isaias ay nangunguna ang pangungusap na: “Mangyayari sa huling bahagi ng mga araw.” Ang mga ibang salin ay nagsasabi: “Sa mga huling araw.” (New International Version) Katibayan ang regular na tinatalakay sa mga pahina ng magasing ito upang patunayan na tayo’y nabubuhay sa mga huling araw ng kasalukuyang pamamalakad na ito ng sanlibutan sapol noong 1914. Kaya nga, ano ang dapat nating asahang makikita natin, sang-ayon sa talatang 3 at 4?
-
-
Kapayapaan—Ang TunayAng Bantayan—1989 | Disyembre 15
-
-
Sinasabi ng propeta na “ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatag na matatayo sa itaas ng taluktok ng mga bundok” at “matataas sa itaas ng mga burol.” Noong sinaunang panahon, ang ibang mga bundok at mga burol ay nagsilbing dako para sa pagsamba sa mga diyus-diyusan at mga santuwaryo ng mga huwad na diyos. Nang ang banal na Kaban ay dalhin ni Haring David sa tolda na kaniyang itinindig sa Bundok Sion (Jerusalem), mga 760 metro ang taas sa dagat, maliwanag na siya’y kumikilos bilang pagsunod sa banal na kautusan. Nang maglaon, nang itayo sa Bundok Moria ang dakilang templo ni Jehova, sa terminong “Sion” ay kasali ang dakong kinatatayuan ng templo, kaya’t ang templo’y nakatayo sa mas mataas na lugar kaysa mga ilang nakapalibot na mga lugar ng paganong pagsamba. Ang Jerusalem mismo ay tinawag din na kaniyang “banal na bundok”; sa gayon, ang pagsamba kay Jehova ay nanatili sa isang mataas na kalagayan.—Isaias 8:18; 66:20.
Ganiyan din naman sa ngayon, ang pagsamba sa Diyos na Jehova ay napataas na gaya ng isang makasagisag na bundok. Ito’y napatanyag upang makita ng lahat, yamang nakagawa ito ng isang bagay na hindi nagawa ng ano pa mang ibang relihiyon. Ano ba iyon? Pinagkaisa nito ang lahat ng mga sumasamba kay Jehova, na may kagalakang nagpanday ng kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at sila’y hindi na nag-aaral ng pakikidigma. Ang pambansa at panlahi na mga balakid ay hindi na nagsisilbing mga tagapagbaha-bahagi sa kanila. Sila’y namumuhay bilang isang nagkakaisang bayan, isang pagkakapatiran bagaman sila’y kalat-kalat sa lahat ng bansa ng sanlibutan.—Awit 33:12.
-