Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pasiya ni Jehova Laban sa mga Bansa
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 25. Bilang katuparan ng Isaias 19:1-11, ano ang nangyari sa sinaunang Ehipto?

      25 Ang karatig-bayan ng Juda sa timog ay ang Ehipto, isang matagal nang kaaway ng tipang bayan ng Diyos. Isinaysay sa kabanata 19 ng Isaias ang magulong kalagayan sa Ehipto noong kapanahunan ni Isaias. May gera sibil sa Ehipto, na “lunsod laban sa lunsod, kaharian laban sa kaharian.” (Isaias 19:2, 13, 14) Ang ebidensiyang inihaharap ng mga istoryador ay nagpapakitang may magkakalabang dinastiya na sabay-sabay na namamahala sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang ipinagyayabang na karunungan ng Ehipto, kasama na ang kaniyang ‘mga walang-silbing diyos at mga engkantador,’ ay hindi nakapagligtas sa kaniya mula “sa kamay ng isang mahigpit na panginoon.” (Isaias 19:3, 4) Ang Ehipto ay sunud-sunod na sinakop ng Asirya, Babilonya, Persia, Gresya, at Roma. Lahat ng mga pangyayaring ito ay tumutupad sa mga hula ng Isaias 19:1-11.

  • Ang Pasiya ni Jehova Laban sa mga Bansa
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 27. Anong panloob na mga pagkakabaha-bahagi ang inihula para sa “Ehipto,” at paano ito natutupad sa ngayon?

      27 Tungkol sa panahon bago sumapit ang pagsasakatuparan ng kaniyang kahatulan, si Jehova ay nagsabi sa makahulang paraan: “Uudyukan ko ang mga Ehipsiyo laban sa mga Ehipsiyo, at tiyak na makikipagdigma sila bawat isa laban sa kaniyang kapatid, at bawat isa laban sa kaniyang kasama, lunsod laban sa lunsod, kaharian laban sa kaharian.” (Isaias 19:2) Mula nang itatag ang Kaharian ng Diyos noong 1914, ‘ang tanda ng pagkanaririto’ ni Jesus ay kinakitaan ng pagtindig ng bansa laban sa bansa at kaharian laban sa kaharian. Ang lansakang pagpaslang sa mga tribo, ang madugo at maramihang pagpatay sa mga tao, at ang paglipol sa etnikong minorya ay kumitil ng milyun-milyong buhay sa mga huling araw na ito. Ang gayong “mga hapdi ng kabagabagan” ay lulubha pa habang papalapit na ang wakas.​—Mateo 24:3, 7, 8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share