Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pasiya ni Jehova Laban sa mga Bansa
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 25. Bilang katuparan ng Isaias 19:1-11, ano ang nangyari sa sinaunang Ehipto?

      25 Ang karatig-bayan ng Juda sa timog ay ang Ehipto, isang matagal nang kaaway ng tipang bayan ng Diyos. Isinaysay sa kabanata 19 ng Isaias ang magulong kalagayan sa Ehipto noong kapanahunan ni Isaias. May gera sibil sa Ehipto, na “lunsod laban sa lunsod, kaharian laban sa kaharian.” (Isaias 19:2, 13, 14) Ang ebidensiyang inihaharap ng mga istoryador ay nagpapakitang may magkakalabang dinastiya na sabay-sabay na namamahala sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang ipinagyayabang na karunungan ng Ehipto, kasama na ang kaniyang ‘mga walang-silbing diyos at mga engkantador,’ ay hindi nakapagligtas sa kaniya mula “sa kamay ng isang mahigpit na panginoon.” (Isaias 19:3, 4) Ang Ehipto ay sunud-sunod na sinakop ng Asirya, Babilonya, Persia, Gresya, at Roma. Lahat ng mga pangyayaring ito ay tumutupad sa mga hula ng Isaias 19:1-11.

  • Ang Pasiya ni Jehova Laban sa mga Bansa
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 28. Sa araw ng paghuhukom, ano ang magagawa ng huwad na relihiyon upang iligtas ang sistemang ito ng mga bagay?

      28 “Ang espiritu ng Ehipto ay matitilihan sa gitna nito, at guguluhin ko ang sarili nitong panukala. At tiyak na babaling sila sa mga walang-silbing diyos at sa mga engkantador at sa mga espiritista at sa mga manghuhula ng mga pangyayari.” (Isaias 19:3) Nang humarap si Moises kay Paraon, ang mga saserdote ng Ehipto ay napahiya, sapagkat hindi nila mapantayan si Jehova sa kapangyarihan. (Exodo 8:18, 19; Gawa 13:8; 2 Timoteo 3:8) Kahawig nito, sa araw ng paghuhukom, ang huwad na relihiyon ay hindi makapagliligtas sa masamang sistemang ito. (Ihambing ang Isaias 47:1, 11-13.) Sa wakas, ang Ehipto ay napasailalim ng “isang mahigpit na panginoon,” ang Asirya. (Isaias 19:4) Inilalarawan nito ang madilim na kinabukasang haharapin ng sistemang ito ng mga bagay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share