-
SargonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Si Sargon ay minsan lamang binanggit sa pangalan sa ulat ng Bibliya. (Isa 20:1) Noong maagang bahagi ng siglong 1800, ang pagtukoy ng Bibliya sa kaniya ay kadalasang minamaliit ng mga kritiko bilang walang halaga sa kasaysayan. Ngunit mula noong 1843, natuklasan sa arkeolohikal na mga paghuhukay ang mga guho ng kaniyang palasyo sa Khorsabad at ang mga nakasulat na rekord ng kaniyang maharlikang mga ulat ng kasaysayan.—LARAWAN, Tomo 1, p. 955, 960.
-
-
SargonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Iniuulat ng mga rekord ng Asirya na ang hari ng Asdod, si Azuri, ay naghimagsik at nakipagsabuwatan laban sa pamatok ng Asirya at na inalis ni Sargon si Azuri at ipinalit sa puwesto niya ang kaniyang nakababatang kapatid. Nasundan ito ng isa pang paghihimagsik, at sinalakay ni Sargon ang Filistia at “kinubkob at nilupig ang mga lunsod ng Asdod, Gat . . . (at) Asdudimmu.” (Ancient Near Eastern Texts, p. 286) Lumilitaw na sa puntong ito tuwirang binanggit ng Bibliya sa Isaias 20:1 ang pangalan ni Sargon.
-