Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magtiwala kay Jehova Ukol sa Patnubay at Proteksiyon
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • Ang Pakikipagdigma Laban sa Asdod

      5. Sino ang isang makapangyarihang tagapamahalang Asiryano noong kaarawan ni Isaias, at paano naipagbangong-puri ang ulat ng Bibliya hinggil sa kaniya?

      5 Noong kaarawan ni Isaias ang Imperyo ng Asirya ay umabot sa walang-kaparis na antas ng kapangyarihan sa ilalim ni Haring Sargon.a Sa loob ng maraming taon, pinag-alinlanganan ng mga kritiko ang pag-iral ng tagapamahalang ito, palibhasa’y wala silang nalalamang pagbanggit sa kaniya sa sekular na mga ulat. Gayunman, nang maglaon ay natuklasan ng mga arkeologo ang mga guho ng palasyo ni Sargon, at ang ulat ng Bibliya ay naipagbangong-puri.

      6, 7. (a) Malamang, sa anong mga kadahilanan ipinag-utos ni Sargon na salakayin ang Asdod? (b) Paanong ang pagbagsak ng Asdod ay nakaapekto sa mga kahangga ng Filistia?

      6 Gumawa ng maikling paglalarawan si Isaias hinggil sa isa sa mga kampanyang militar ni Sargon: “Dumating si Tartan sa Asdod, nang isugo siya ni Sargon na hari ng Asirya, at siya ay nakipagdigma laban sa Asdod at binihag ito.” (Isaias 20:1)b Bakit ipinag-utos ni Sargon ang pagsalakay sa Filisteong lunsod ng Asdod? Una, ang Filistia ay kakampi ng Ehipto, at ang Asdod, na kinaroroonan ng isang templo ni Dagon, ay nasa daan na namamaybay sa tabing-dagat mula sa Ehipto hanggang sa Palestina. Kung gayon, ang lunsod na ito ay nasa isang estratehikong lugar. Ang pagkabihag nito ay maaaring malasin bilang patiunang hakbang ng pananakop sa Ehipto. Bilang karagdagan, ang mga rekord ng Asirya ay nagsasabing si Azuri, ang hari ng Asdod, ay nakikipagsabuwatan laban sa Asirya. Kaya, inalis ni Sargon ang rebelyosong haring ito at inilagay sa trono ang nakababatang kapatid ng hari na si Ahimiti. Gayunman, hindi natapos dito ang mga bagay-bagay. Isa pang paghihimagsik ang naganap, at sa pagkakataong ito higit na mapuwersang pagkilos ang isinagawa ni Sargon. Ipinag-utos niya ang pagsalakay sa Asdod, anupat kinubkob at nilupig iyon. Malamang, ang Isaias 20:1 ay tumutukoy sa pangyayaring ito.

      7 Ang pagbagsak ng Asdod ay nagsilbing isang banta sa mga kahangga niya, lalo na sa Juda. Nalalaman ni Jehova na nakahilig ang kaniyang bayan na umasa sa “bisig na laman,” gaya ng Ehipto o Etiopia sa timog. Kaya, inatasan niya si Isaias na isadula ang isang kahila-hilakbot na babala.​—2 Cronica 32:7, 8.

  • Magtiwala kay Jehova Ukol sa Patnubay at Proteksiyon
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • a Tinutukoy ng mga istoryador ang haring ito bilang si Sargon II. Isang naunang hari, hindi ng Asirya, kundi ng Babilonya, ang tinawag bilang “Sargon I.”

      b Ang “Tartan” ay hindi isang pangalan kundi isang titulo ng punong komandante ng hukbong Asirya, na malamang ay siyang ikalawang pinakamakapangyarihang persona sa imperyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share