Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Naglilingkod na Kasama ng Bantay
    Ang Bantayan—2000 | Enero 1
    • 6. Anong mabuting balita ang ipinahayag ng makahulang bantay ni Jehova, at kailan ito natupad?

      6 Kay laking tagumpay nito para sa huwad na relihiyon! Gayunman, ang pananaig ng Babilonya ay pansamantala lamang. Mga 200 taon bago ang kaganapang iyon, nag-utos si Jehova: “Yumaon ka, maglagay ka ng tanod upang masabi niya kung ano ang kaniyang nakikita.” Anong balita ang kailangang ipahayag ng bantay na ito? “Siya ay bumagsak na! Ang Babilonya ay bumagsak na, at ang lahat ng mga nililok na imahen ng kaniyang mga diyos ay binasag na niya sa lupa!” (Isaias 21:6, 9) Gaya ng inaasahan, noong 539 B.C.E., nagkatotoo ang makahulang pahayag. Bumagsak ang makapangyarihang Babilonya, at di-nagtagal ay nakabalik din ang tipang bayan ng Diyos sa kanilang sariling lupain.

  • Naglilingkod na Kasama ng Bantay
    Ang Bantayan—2000 | Enero 1
    • 13. (a) Anong mensahe ang ipinahayag ng bantay ni Jehova? (b) Paano masasabing bumagsak na ang Babilonyang Dakila?

      13 Ano ang nakita ng bantay na ito? Muli, ang bantay ni Jehova, ang kaniyang uring saksi, ay nagpatalastas: “Siya ay bumagsak na! Ang Babilonya ay bumagsak na, at ang lahat ng mga nililok na imahen ng kaniyang mga diyos ay binasag na niya [ni Jehova] sa lupa!” (Isaias 21:9) Sa pagkakataong ito, pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig I, ang Babilonyang Dakila naman, ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, ang bumagsak mula sa matayog na awtoridad nito. (Jeremias 50:1-3; Apocalipsis 14:8) Hindi nga kataka-taka! Ang Malaking Digmaan, gaya ng tawag dito noon, ay nagsimula sa Sangkakristiyanuhan, kung saan ang mga klero sa magkabilang panig ang nagpalaki sa alitan sa pamamagitan ng paghimok sa kanilang magigiting na mga kabataan na makipagdigma. Kay laking kahihiyan! Noong 1919, hindi mahadlangan ng Dakilang Babilonya ang mga Estudyante ng Bibliya, gaya ng tawag noon sa mga Saksi ni Jehova, sa pagtakas mula sa kanilang di-aktibong kalagayan at pagsasagawa ng pandaigdig na kampanya ng pagpapatotoo na nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon. (Mateo 24:14) Palatandaan iyan na bumagsak na ang Babilonyang Dakila, kung paanong ang pagpapalaya sa Israel noong ikaanim na siglo B.C.E. ay palatandaan na bumagsak na ang sinaunang Babilonya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share