-
Tipunang-tubigKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang mga pagtukoy ng Bibliya sa “lumang tipunang-tubig” (Isa 22:11), “mataas na tipunang-tubig” (2Ha 18:17; Isa 7:3; 36:2), at “mababang tipunang-tubig” (Isa 22:9) ay walang ipinahihiwatig tungkol sa eksaktong kinaroroonan ng mga ito may kaugnayan sa lunsod ng Jerusalem. Karaniwang ipinapalagay ng mga iskolar na ang “mababang tipunang-tubig” (marahil ay yaon ding “Tipunang-tubig ng Batis” na binanggit sa Ne 3:15) ay maiuugnay sa Birket el-Hamra na nasa timugang dulo ng Libis ng Tyropoeon. Ngunit iba-iba naman ang opinyon tungkol sa lokasyon ng “mataas na tipunang-tubig.”—Tingnan ang TIPUNANG-TUBIG NG BATIS.
-