Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ibinaba ni Jehova ang Pagmamapuri ng Tiro
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 16, 17. Ano ang mangyayari sa mga tumatahan sa Tiro kapag bumagsak ang lunsod? (Tingnan ang talababa.)

      16 Ipinagpatuloy ni Isaias ang paghatol ni Jehova sa Tiro: “Tumawid ka sa iyong lupain na gaya ng Ilog Nilo, O anak na babae ng Tarsis. Wala nang pantalan. Ang kaniyang kamay ay iniunat niya sa ibabaw ng dagat; niligalig niya ang mga kaharian. Si Jehova mismo ay nagbigay ng utos laban sa Fenicia, na gibain ang kaniyang mga moog. At sinasabi niya: ‘Huwag ka nang magbunyi pang muli, O isa na sinisiil, ang anak na dalaga ng Sidon. Bumangon ka, tumawid ka patungong Kitim. Doon man ay hindi ka magkakaroon ng kapahingahan.’”​—Isaias 23:10-12.

  • Ibinaba ni Jehova ang Pagmamapuri ng Tiro
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 18. Bakit tinawag ang Tiro na “anak na dalaga ng Sidon,” at paano magbabago ang kaniyang kalagayan?

      18 Tinutukoy rin ni Isaias ang Tiro bilang “anak na dalaga ng Sidon,” na nagpapakitang siya’y hindi pa nakukubkob at nadarambong ng banyagang mga manlulupig at nagtatamasa pa rin ng kalayaan. (Ihambing ang 2 Hari 19:21; Isaias 47:1; Jeremias 46:11.) Gayunman, ngayon siya’y pupuksain, at gaya ng mga takas, ang ilan sa mga naninirahan sa kaniya ay tatawid patungong Kitim na kolonya ng Fenicia. Gayunpaman, dahil sa pagkawala ng kanilang kapangyarihan sa ekonomiya, sila’y hindi makasusumpong ng kapahingahan doon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share