Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Jehova ay Hari
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 6. Bakit inalis ni Jehova ang kaniyang pagpapala sa lupain?

      6 Upang hindi magkaroon ng maling pagkaunawa, inilarawan ni Isaias ang pagiging lubusan ng dumarating na kapahamakang ito at ipinaliwanag ang dahilan nito: “Ang lupain ay nagdadalamhati, naglalaho. Ang mabungang lupain ay nalalanta, naglalaho. Ang matataas na tao sa lupain ay nalalanta. At ang mismong lupain ay narumhan sa ilalim ng mga tumatahan dito, sapagkat kinaligtaan nila ang mga kautusan, binago ang tuntunin, sinira ang tipang namamalagi nang walang takda. Iyan ang dahilan kung bakit nilamon ng sumpa ang lupain, at ang mga tumatahan doon ay itinuturing na may-sala. Iyan ang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga tumatahan sa lupain, at kaunting-kaunting taong mortal ang natira.” (Isaias 24:4-6) Nang ibigay sa mga Israelita ang lupain ng Canaan, nasumpungan nila itong “isang lupain na inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.” (Deuteronomio 27:3) Gayunman, sila’y patuloy na umasa sa pagpapala ni Jehova. Kung matapat nilang iingatan ang kaniyang mga batas at mga utos, “ibibigay [nga ng lupain] ang kaniyang ani,” subalit kung ipagwawalang-bahala nila ang kaniyang mga kautusan at mga utos, ang kanilang mga pagsisikap na linangin ang lupain ay magiging “walang kabuluhan” at ang lupa ay “hindi magbibigay ng kaniyang ani.” (Levitico 26:3-5, 14, 15, 20) Ang sumpa ni Jehova ang ‘lalamon sa lupain.’ (Deuteronomio 28:15-20, 38-42, 62, 63) Dapat asahan ngayon ng Juda na maranasan ang sumpang iyon.

  • Si Jehova ay Hari
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 8. (a) Paano ‘kinaligtaan ng mga tao ang kautusan’ at “binago ang tuntunin”? (b) Sa paanong paraan ang “matataas na tao” ang unang ‘malalanta’?

      8 Subalit “sinira [ng bayan] ang tipang namamalagi nang walang takda.” Kanilang kinaligtaan ang mga kautusang bigay ng Diyos at winalang-bahala ang mga iyon. Kanilang “binago ang tuntunin,” anupat sinunod ang legal na kaayusan na naiiba kaysa roon sa ibinigay ni Jehova. (Exodo 22:25; Ezekiel 22:12) Kaya, ang bayan ay aalisin mula sa lupain. Hindi magpapakita ng awa sa dumarating na paghatol. Kabilang sa unang ‘malalanta’ dahil sa pag-aalis ni Jehova ng kaniyang proteksiyon at pagsang-ayon ay ang “matataas na tao,” ang mga maharlika. Bilang katuparan nito, habang lumalapit ang pagkawasak ng Jerusalem, ang mga hari ng Judea ay ginawang basalyo, una ng mga taga-Ehipto at pagkatapos ay ng mga taga-Babilonya. Pagkaraan, si Haring Jehoiakin at ang iba pang miyembro ng maharlikang pamilya ay kabilang sa mga unang dinalang bihag sa Babilonya.​—2 Cronica 36:4, 9, 10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share