-
Si Jehova ay HariHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
-
-
13, 14. (a) Ano ang mga kautusan ni Jehova hinggil sa pag-aani? (b) Paano ginamit ni Isaias ang mga kautusan sa pag-aani upang ilarawan na ang ilan ay makaliligtas sa paghatol ni Jehova? (c) Bagaman may dumarating na madidilim na panahon ng pagsubok, sa ano makatitiyak ang tapat na mga taga-Judea?
13 Upang makapag-ani ng mga olibo, hinahampas ng mga Israelita ng pamalo ang mga punungkahoy upang malaglag ang bunga nito. Ayon sa Kautusan ng Diyos, sila’y pinagbawalang bumalik sa mga sanga ng mga punungkahoy upang pitasin ang nalalabing mga olibo. Ni kailangan nilang tipunin ang natitirang mga ubas pagkatapos ng pag-aani sa kanilang mga ubasan. Ang mga nalalabi ng ani ay dapat iwan para sa dukha—“para sa naninirahang dayuhan, para sa batang lalaking walang ama at para sa babaing balo”—upang maghimalay. (Deuteronomio 24:19-21) Mula sa kilalang mga kautusang ito, inilarawan ni Isaias ang nakaaaliw na bagay na may makaliligtas sa dumarating na paghatol ni Jehova: “Sapagkat gayon ang mangyayari sa gitna ng lupain, sa gitna ng mga bayan, gaya ng paghampas sa punong olibo, gaya ng paghihimalay kapag ang pamimitas ng ubas ay nagwakas na. Sila ay maglalakas ng kanilang tinig, hihiyaw sila nang may kagalakan. Sa kadakilaan ni Jehova ay tiyak na hihiyaw sila nang malakas mula sa dagat. Iyan ang dahilan kung bakit sa pook ng liwanag ay luluwalhatiin nila si Jehova, sa mga pulo ng dagat ay ang pangalan ni Jehova, na Diyos ng Israel. Mula sa dulo ng lupain ay may mga awitin kaming narinig: ‘Kagayakan ukol sa Matuwid!’”—Isaias 24:13-16a.
14 Kung paanong may ilang prutas na naiiwan sa punungkahoy o sa baging pagkatapos na mag-ani, mayroon ding maiiwan pagkatapos na isagawa ang paghatol ni Jehova—ang “paghihimalay kapag ang pamimitas ng ubas ay nagwakas na.” Gaya ng nakaulat sa Isa 24 talatang 6, ang mga ito ay nabanggit na ng propeta, sa pagsasabing “kaunting-kaunting taong mortal ang natira.” Gayunman, bagaman iilan lamang sila, may makaliligtas sa pagkawasak ng Jerusalem at Juda, at pagkatapos ay isang nalabi ang babalik mula sa pagkabihag upang muling kalatan ang lupain. (Isaias 4:2, 3; 14:1-5) Bagaman ang mga taong may matuwid na puso ay makararanas ng malulungkot na panahon ng pagsubok, sila’y makatitiyak na may pagliligtas at pagsasaya sa hinaharap. Makikita ng mga makaliligtas na matutupad ang makahulang salita ni Jehova at matatanto na si Isaias ay naging isang tunay na propeta ng Diyos. Sila’y mapupuspos ng kagalakan habang kanilang nasasaksihan ang katuparan ng mga hula sa pagsasauli. Saanman sila nagsipangalat—maging iyon ma’y sa mga isla ng Mediteraneo sa Kanluran, sa Babilonya sa “pook ng liwanag” (ang sikatan ng araw, o ang Silangan), o sa alinmang iba pang malalayong lugar—sila’y pupuri sa Diyos sapagkat sila’y iningatan, at sila’y aawit: “Kagayakan ukol sa Matuwid!”
-
-
Si Jehova ay HariHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
-
-
15, 16. (a) Ano ang nadarama ni Isaias hinggil sa mangyayari sa kaniyang bayan? (b) Ano ang sasapit sa di-tapat na mga tumatahan sa lupain?
15 Samantala, ang pagsasaya ngayon ay hindi pa napapanahon. Dinala ni Isaias ang kaniyang mga kapanahon pabalik sa kasalukuyan, sa pagsasabing: “Ngunit ang sabi ko: ‘Sa ganang akin ay may pangangayayat, sa ganang akin ay may pangangayayat! Sa aba ko! Ang mga taksil makitungo ay nakikitungo nang may kataksilan. May kataksilan nga na ang mga taksil makitungo ay nakikitungo nang may kataksilan.’ Ang panghihilakbot at ang hukay at ang bitag ay sumasaiyo, ikaw na tumatahan sa lupain. At mangyayari nga na ang tumatakas mula sa ingay ng pinanghihilakbutang bagay ay mahuhulog sa hukay, at ang umaahon mula sa loob ng hukay ay mahuhuli sa bitag. Sapagkat ang mismong mga pintuan ng tubig sa kaitaasan ay bubuksan nga, at ang mga pundasyon ng lupain ay uuga. Ang lupain ay talagang sumambulat, ang lupain ay talagang nayanig, ang lupain ay talagang pinagiray-giray. Ang lupain ay talagang sumusuray-suray na gaya ng taong lasing, at ito ay gumigiwang-giwang sa magkabi-kabila gaya ng kubong bantayan. At ang pagsalansang nito ay bumigat sa ibabaw nito, at ito ay babagsak, anupat hindi na muling babangon.”—Isaias 24:16b-20.
16 Si Isaias ay sakbibi ng kalungkutan dahil sa sasapit sa kaniyang bayan. Ang kalagayan ng mga bagay-bagay sa palibot niya ay naging sanhi upang makadama ng panghihina at kaabahan. Naglipana ang mga taksil at nagdulot ito ng sindak sa mga tumatahan sa lupain. Kapag inalis ni Jehova ang kaniyang proteksiyon, ang di-tapat na mga tumatahan sa Juda ay daranas ng malaking takot kapuwa sa araw at sa gabi. Sila’y hindi makatitiyak sa kanilang mga buhay. Walang makatatakas sa kapahamakang sasapit sa kanila dahil sa pagtalikod sa mga utos ni Jehova at pagwawalang-bahala sa makadiyos na karunungan. (Kawikaan 1:24-27) Ang kalamidad ay sasapit bagaman ang mga taksil sa lupain, sa pagsisikap na kumbinsihin sila na magiging maayos ang lahat, ay gumagamit ng kasinungalingan at pandaraya upang akayin sila sa isang landasin tungo sa pagkapuksa. (Jeremias 27:9-15) Ang mga kaaway mula sa labas ay papasok at darambungin sila at dadalhin silang bihag. Ang lahat ng ito ay lubhang nakababagabag kay Isaias.
-
-
Si Jehova ay HariHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
-
-
[Larawan sa pahina 267]
Si Isaias ay sakbibi ng kalungkutan dahil sa sasapit sa kaniyang bayan
-