Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Jehova—Ang Ating Lakas
    Ang Bantayan—1988 | Enero 15
    • 6, 7. (a) Kasuwato ng Isaias 25:1, ang mga mananamba kay Jehova ay dapat na pumuri sa kaniya dahil sa ano? (b) Paanong sa Isaias 25:2, 3 ay inilalarawan ang isang lunsod? (c) Anong lunsod ang malamang na tinutukoy ng propeta, at bakit?

      6 Bumaling tayo ngayon sa Isaias kabanata 25. Sa talatang 1 ay ating mababasa: “Oh Jehova, ikaw ang aking Diyos. Aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan, sapagkat ikaw ay gumawa ng kagila-gilalas na mga bagay, mga panukala mula noong sinaunang mga panahon, sa pagtatapat, sa katotohanan.” Ang nagtitiwalang mga mananamba ni Jehova ay pumupuri sa kaniya dahil sa kagila-gilalas na mga gawa na kaniyang isinagawa sa gitna nila. Subalit pagkatapos ay ipinakikita ni Isaias ang malaking pagkakaiba, at sinasabi kay Jehova: “Sapagkat iyong pinaging isang bunton ng mga bato ang isang lunsod, ang bayang matibay ay pinaging isang gumuguhong kagibaan, ang tirahang moog ng mga tagaibang bayan ay hindi na isang lunsod, na hindi na matatayong muli magpakailanman. . . . Ang bayan ng malulupit na mga bansa, sila’y matatakot [kay Jehova].”​—Isaias 25:2, 3.

  • Si Jehova—Ang Ating Lakas
    Ang Bantayan—1988 | Enero 15
    • 10. (a) Kasuwato ng Isaias 25:3, paanong “ang bayan ng malulupit na mga bansa” ay napilitang magpuri kay Jehova, at matakot pa rin sa kaniya? (b) Sa Isaias 25:4, 5, paano binabanggit ni Isaias si Jehova, kapuwa kung tungkol sa “dukha” at sa “malulupit”?

      10 Noong taóng 1919 pinalaya ni Jehova ang kaniyang tunay na bayan buhat sa kapangyarihan ng “Babilonyang Dakila.” Ang ‘bayan na iyon ng malulupit na bansa’ ay nakasaksi nang may kapaitan sa “kagila-gilalas na mga bagay” na kaniyang naisagawa sa pagsasauli sa mga mananamba niya sa dinamikong pagkilos. Ang mga huwad na relihiyonista ay napilitan ding matakot kay Jehova sa kanilang paghihintay ng mga bagay na darating sa kanila. Sa loob ng daan-daang taon, ang kanilang sarili ay dinakila ng malulupit na mga klerigo upang mapataas nang higit kaysa kanilang mga tagasunod na lego. Subalit ngayon ay binabanggit ni Isaias si Jehova, na nagsasabi: “Ikaw ay naging ampunan sa dukha, isang ampunan sa maralitang nasa kahirapan, kanlungan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga malulupit ay gaya ng isang bagyong humahambalos sa isang pader. Gaya ng init sa isang tigang na lupain, ng ingay ng mga tagaibang bayan na iyong sinusupil, ng init na kasama ng lilim ng isang alapaap. Ang awit mismo ng mga malulupit ay natitigil.”​—Isaias 25:4, 5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share