Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • ‘HINIPO NI JEHOVA ANG AKING BIBIG’

      3. Noong pasimula ng gawain ni Jeremias, ano ang ginawa sa kaniya ng Diyos? Ano ang nadama ni Jeremias?

      3 Tandaan na sa pasimula ng atas ni Jeremias, narinig niya ang mga salitang ito: “Sa lahat niyaong pagsusuguan ko sa iyo ay paroroon ka; at ang lahat ng iuutos ko sa iyo ay sasalitain mo. Huwag kang matakot dahil sa kanilang mga mukha, sapagkat ‘Ako ay sumasaiyo upang iligtas ka,’ ang sabi ni Jehova.” (Jer. 1:7, 8) Pagkaraan, may ginawa ang Diyos na hindi inaasahan ni Jeremias. Sinabi niya: “Iniunat ni Jehova ang kaniyang kamay at hinipo nito ang aking bibig. Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: ‘Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. Tingnan mo, inaatasan kita sa araw na ito.’” (Jer. 1:9, 10) Mula noon, naunawaan ni Jeremias na magiging tagapagsalita siya ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.a Sa tulong ni Jehova, nagningas ang sigasig ni Jeremias sa sagradong paglilingkod.​—Isa. 6:5-8.

      Larawan sa pahina 34
      Larawan sa pahina 34
      Larawan sa pahina 34

      4. Maglahad ng magagandang karanasan tungkol sa masigasig na pangangaral.

      4 Hindi naman aktuwal na hinihipo ni Jehova ang mga lingkod niya ngayon. Pero sa tulong ng kaniyang espiritu, inuudyukan niya silang magkaroon ng matinding pagnanais na ipangaral ang mabuting balita. Di-matatawaran ang sigasig ng marami sa kanila. Isang halimbawa nito si Maruja na taga-Espanya. Mahigit 40 taon nang paralisado ang mga braso at binti niya. Hiráp siyang magbahay-bahay kaya gumawa siya ng ibang paraan para maging aktibo sa ministeryo. Isa na rito ang pagpapatotoo sa pamamagitan ng liham. Idinidikta ni Maruja sa kaniyang anak na babae ang gusto niyang sabihin. Sa loob ng isang buwan, nakapagpadala si Maruja at ang kaniyang “sekretarya” ng mahigit 150 liham na nilakipan ng tract. Dahil sa kanilang pagsisikap, napaabutan ng mabuting balita ang karamihan ng tao sa kalapit na nayon. Sinabi ni Maruja sa kaniyang anak, “Kung isang tapat-puso ang makakatanggap ng liham natin, pagpapalain tayo ni Jehova ng Bible study.” Sumulat ang elder nila, “Nagpapasalamat ako kay Jehova at may mga sister na gaya ni Maruja, na nagtuturo sa iba na pahalagahan kung ano talaga ang importante.”

  • “Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • a Tulad sa kasong ito, madalas magsugo si Jehova ng mga anghel upang maghatid ng mensahe na para bang Siya mismo ang nagsasalita.​—Huk. 13:15, 22; Gal. 3:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share