Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • Larawan sa pahina 6

      6, 7. Bakit natin masasabi na interesado ang Diyos kay Jeremias? Ano ang kalagayan noong isilang si Jeremias?

      6 Pinag-iisipan ng mag-asawang malapit nang magkaanak ang kinabukasan ng kanilang sanggol. Magiging ano kaya siya paglaki niya? Ano kaya ang mga hilig niya, pangarap, at mararating sa buhay? Malamang na inisip din iyan ng mga magulang mo. At siguradong ganiyan din ang mga magulang ni Jeremias. Pero di-pangkaraniwan ang kaso niya. Bakit? Ang mismong Maylalang ng uniberso ang interesado sa magiging buhay at gawain ni Jeremias.​—Basahin ang Jeremias 1:5.

      7 Oo, bago pa isilang si Jeremias, nakita na ni Jehova na magagampanan nito ang gawain ng isang propeta. Interesado Siya sa paglaki ng batang ito na magmumula sa angkan ng mga saserdote sa hilaga ng Jerusalem. Mga kalagitnaan ng ikapitong siglo B.C.E. noon; hindi maganda ang kalagayan sa Juda dahil sa masamang pamamahala ni Haring Manases. (Tingnan ang pahina 19.) Halos sa buong 55-taóng paghahari ni Manases, ginawa niya ang masama sa paningin ni Jehova. At ganoon din ang pamamahala ng anak niyang si Amon. (2 Hari 21:1-9, 19-26) Pero malaki ang nagbago nang maghari si Josias. Hinanap niya si Jehova. Sa ika-18 taon ng kaniyang paghahari, nalinis na ni Josias ang bansa mula sa idolatriya. Siguradong ikinatuwa ito ng mga magulang ni Jeremias. Noong mga panahong iyon inatasan ng Diyos ang kanilang anak.​—2 Cro. 34:3-8.

  • “Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • PUMILI ANG DIYOS NG TAGAPAGSALITA

      8. Anong atas ang ibinigay kay Jeremias? Ano ang naging reaksiyon niya?

      8 Hindi natin alam kung ilang taon si Jeremias nang sabihin sa kaniya ng Diyos: “Ginawa kitang propeta sa mga bansa.” Malamang na mga 25 anyos siya noon, ang edad na puwede nang magsimulang maglingkod ang isang saserdote. (Bil. 8:24) Pero sinabi niya: “Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Narito, hindi nga ako marunong magsalita, sapagkat ako ay isang bata lamang.” (Jer. 1:6) Siguro iniisip niyang napakabata pa niya o hindi niya kaya ang ganoon kalaking responsibilidad, pati na ang magsalita sa publiko bilang isang propeta.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share