-
Aklat ng Bibliya Bilang 15—Ezra“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
8. Ilarawan ang sunud-sunod na pangyayari na umakay sa pagtatapos ng 70 taon ng kagibaan.
8 Nagbalik ang isang nalabi (1:1–3:6). Nang pukawin ni Jehova ang diwa ni haring Ciro ng Persya, iniutos nito sa mga Judio na bumalik at itayo ang bahay ni Jehova sa Jerusalem. Hinimok niya ang mga magpapaiwan na mag-abuloy sa proyekto, at sa mga aalis ay ipinadala niya ang mga kagamitan ng orihinal na templo. Si Zorobabel (Shesbassar), pinunó mula sa maharlikang tribo ng Juda at inapo ni Haring David ay inatasang gobernador na mangunguna sa mga napalaya, at si Jeshua (Josue) naman ang mataas na saserdote. (Ezra 1:8; 5:2; Zac. 3:1) Naglakbay ang isang nalabi na marahil ay 200,000 tapat na lingkod ni Jehova, mga lalaki, babae, at bata. Sa ikapitong buwan, ayon sa kalendaryong Judio, nakapirme na sila sa kanilang mga lungsod, at nagtipon sila sa Jerusalem upang maghandog ng mga hain sa dating kinaroroonan ng dambana at upang ipagdiwang ang Kapistahan ng mga Kubol sa taglagas ng 537 B.C.E. Kaya ang 70 taon ng kagibaan ay natapos nang eksakto sa panahon!b
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 15—Ezra“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
14. Ano ang ipinakikita ng aklat ng Ezra tungkol sa mga hula ni Jehova?
14 Kapaki-pakinabang ang aklat ni Ezra, una sa lahat, sa pagpapakita ng walang-mintis na katuparan ng mga hula ni Jehova. Si Jeremias, na wastong humula sa pagkagiba ng Jerusalem, ay humula rin sa pagsasauli nito pagkaraan ng 70 taon. (Jer. 29:10) Tamang-tama sa panahon, nagpakita si Jehova ng kagandahang-loob nang ibalik niya ang isang tapat na nalabi sa Lupang Pangako, upang ipagpatuloy ang tunay na pagsamba.
-