Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Payagan Mo Sana Kaming Makabalik”
    Ang Bantayan—2012 | Abril 1
    • “Tiyak na Kahahabagan Ko Siya”

      Si Jehova ay may espesyal na kaugnayan sa mga Israelita. Sinabi niya: “Ako ay naging Ama ng Israel; at kung tungkol sa Efraim, siya ang aking panganay.” (Jeremias 31:9) Matatanggihan ba ng isang mapagmahal na ama ang nanunumbalik niyang anak na tunay na nagsisisi? Pansinin kung paano ipinahayag ni Jehova bilang Ama ang nadarama niya para sa kaniyang bayan.

      “Ang Efraim ba ay anak na mahal sa akin, o isang batang kinagigiliwan? Sapagkat kung paanong nagsasalita ako laban sa kaniya ay gayon ko nga siya aalalahanin nang higit pa.” (Talata 20) Talagang nakaaantig ang mga pananalitang iyan! Gaya ng isang matatag pero mapagmahal na magulang, nagsalita ang Diyos “laban” sa kaniyang mga anak, anupat paulit-ulit na nagbabala tungkol sa kanilang masasamang paggawi. Nang hindi sila nakinig, hinayaan niya silang maging tapon sa ibang lupain​—sa diwa, pinaalis niya sila sa kanilang “tahanan.” Pero kahit pinarusahan niya sila, hindi naman niya sila kinalimutan. Hinding-hindi niya magagawa iyan. Hindi kinalilimutan ng isang mapagmahal na ama ang kaniyang mga anak. Ano naman ang nadama ni Jehova nang makita niyang tunay na nagsisisi ang kaniyang mga anak?

      “Ang aking mga bituka ay nagkakaingay dahil sa kaniya.b Tiyak na kahahabagan ko siya.” (Talata 20) Nanabik nang husto si Jehova sa kaniyang mga anak. Naantig siya sa kanilang taimtim na pagsisisi, at gustung-gusto niyang magbalik sila sa kaniya. Gaya ng ama sa talinghaga ni Jesus tungkol sa alibughang anak, si Jehova ay “nahabag” sa kaniyang mga anak, anupat nananabik na tanggapin silang muli sa kanilang pagbabalik.​—Lucas 15:20.

      “Pinayagan Ako ni Jehova na Makabalik!”

      Mula sa mga pananalita sa Jeremias 31:18-20, naunawaan natin na napakamahabagin at napakamaawain ni Jehova. Hindi kinalilimutan ng Diyos ang mga dating naglilingkod sa kaniya. Paano kung gusto na nilang bumalik sa kaniya? “Handang magpatawad” ang Diyos. (Awit 86:5) Hindi niya itataboy ang mga lumalapit sa kaniya na tunay na nagsisisi. (Awit 51:17) Sa halip, masaya niyang tatanggapin silang muli.​—Lucas 15:22-24.

  • “Payagan Mo Sana Kaming Makabalik”
    Ang Bantayan—2012 | Abril 1
    • b May kinalaman sa pagkakaingay na ito ng bituka, ganito ang paliwanag ng isang reperensiya para sa mga tagapagsalin ng Bibliya: “Para sa mga Judio, ang loob ng katawan ang sentro ng mga emosyon.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share