Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tagapaglaba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sosa. Sa Hebreo, ang salita para sa sosa [sa Ingles, alkali] ay neʹther, isang carbonate ng soda at tinatawag ding natron. Sa Ingles, tinagurian itong “mineral alkali,” upang ipakitang naiiba ito sa “vegetable alkali.” Ang natron ay isang katutubong uri ng kemikal na iyon, anupat ang mga komersiyal na uri niyaon ay kilala bilang soda ash at sal soda. Sa Kawikaan 25:20, ipinahihiwatig na bumubula ito kapag hinaluan ng mahinang asido. Bagaman sa ilang salin ay tinatawag itong “niter,” hindi ito dapat ipagkamali sa makabagong niter (nitre), tinatawag ding saltpeter o salitre, na maaaring alinman sa potassium o sodium nitrate.

      Sa ganang sarili nito o bilang isang pangunahing sangkap ng sabon, ang sosang ito ay napakabisang panlinis. Pinatitindi ng bagay na ito ang puwersa ng mga salita ni Jehova hinggil sa kalubhaan ng pagkamakasalanan ng Israel: “Kahit hugasan mo ng sosa at kumuha ka man ng maraming lihiya, ang iyong kamalian ay tiyak na magiging mantsa sa harap ko.”​—Jer 2:22.

  • Tagapaglaba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Lihiya. Ang salitang Hebreo na bo·rithʹ, isinasalin bilang “lihiya” (sa Ingles, lye; sa ilang salin, “sabon”), ay tumutukoy sa isang vegetable alkali na naiiba sa neʹther, ang tinaguriang mineral alkali. Magkaiba ang mga ito hindi dahil sa kemikal na komposisyon kundi, sa halip, dahil magkaiba ang mga pinagkukunan ng suplay ng mga ito. Sa Jeremias 2:22, ang mga salitang ito ay kapuwa lumilitaw sa iisang talata. May kinalaman sa kemikal na komposisyon ng mga ito, ang lihiya noong panahon ng Bibliya ay sodium carbonate o potassium carbonate, depende kung ang pananim na pinagkunan ng abo ay tumubo sa maasin na lupa malapit sa dagat o tumubo sa loobang lupain. Ang mga kemikal na nasa abo ay inihihiwalay sa pamamagitan ng leaching o pagsala sa pamamagitan ng tubig. Ang lihiyang ito ay naiiba sa makabagong-panahong kemikal na tinatawag na “lihiya,” ang nakapapasong potassium hydroxide. Noon, ang lihiya ng tagapaglaba ay ginagamit hindi lamang para sa paglilinis ng mga damit (Mal 3:2) kundi para rin sa pagtunaw ng mga metal na gaya ng tingga at pilak.​—Isa 1:25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share