Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Baruc—Ang Tapat na Kalihim ni Jeremias
    Ang Bantayan—2006 | Agosto 15
    • Karagdagan pa, ang ulat sa Jeremias kabanata 36, na detalyado nating tatalakayin, ay nagpapahiwatig na nakakausap ni Baruc ang mga tagapayo ng hari at pinahihintulutan siyang gumamit ng silid-kainan, o ng pribadong silid-pulungan, ni Gemarias, isang prinsipe o opisyal. Ganito ang paliwanag ng iskolar ng Bibliya na si James Muilenberg: “Nakakapasok si Baruc sa pribadong silid-pulungan ng eskribang iyon dahil may karapatan siyang pumasok doon at siya mismo ay miyembro ng mga opisyal ng hari na nagtitipun-tipon sa napakahalagang okasyon ng pangmadlang pagbabasa ng balumbon. Kabilang siya sa kanila.”

  • Si Baruc—Ang Tapat na Kalihim ni Jeremias
    Ang Bantayan—2006 | Agosto 15
    • Mahabang panahon ang ginugol sa pagsulat ng mga babalang ibinigay sa loob ng mahigit 23 taon, at marahil ay hinihintay rin ni Jeremias ang tamang panahon. Ngunit noong Nobyembre o Disyembre 624 B.C.E., buong-tapang na “pinasimulan ni Baruc na basahin nang malakas mula sa aklat ang mga salita ni Jeremias sa bahay ni Jehova, sa silid-kainan ni Gemarias . . . , sa pandinig ng buong bayan.”​—Jeremias 36:8-10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share