Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pinatutunayan ba ng Arkeolohiya ang Bibliya?
    Gumising!—2007 | Nobyembre
    • Habang naghuhukay noong 2005 sa lugar na inaakala ng mga arkeologo na kinaroroonan ng palasyo ni Haring David, natagpuan nila ang pagkalaki-laking gusaling bato na pinaniniwalaan nilang nawasak nang sunugin ng mga Babilonyo ang Jerusalem noong panahon ng propeta ng Diyos na si Jeremias, mahigit 2,600 taon na ang nakalilipas. Hindi tiyak kung labí nga iyon ng palasyo ni David. Pero may isang bagay na nakatawag-pansin kay Eilat Mazar​—isang-sentimetrong luwad na may tatak [5] na ganito ang mababasa: “Pagmamay-ari ni Yehuchal anak ni Shelemiyahu anak ni Shovi.” Malinaw na ang ginamit dito ay ang panselyo ni Yehucal (tinatawag ding Jehucal o Jucal), ang Judiong opisyal na binanggit sa Bibliya na sumalansang kay Jeremias.​—Jeremias 37:3; 38:1-6.

      Sinabi ni Mazar na si Jehucal ay “ikalawang maharlikang lingkod” lamang, pumapangalawa kay Gemarias, anak ni Sapan, na ang pangalan ay nakita sa isang tatak na natagpuan sa Lunsod ni David. Tinukoy sa Bibliya si Jehucal, ang anak ni Selemias (Shelemiyahu), bilang isang prinsipe ng Juda. Bago natuklasan ang panselyo, sa Kasulatan lamang siya nabanggit.

  • Pinatutunayan ba ng Arkeolohiya ang Bibliya?
    Gumising!—2007 | Nobyembre
    • 3: Musée du Louvre, Paris; 4: Photograph taken by courtesy of the British Museum; 5: Gabi Laron/Institute of Archaeology/Hebrew University © Eilat Mazar

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share