Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Huwag Humanap ng “mga Dakilang Bagay Para sa Iyong Sarili”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • 1, 2. (a) Sa ikaapat na taon ni Jehoiakim, ano ang naging problema ni Baruc? (b) Paano tinulungan ni Jehova si Baruc?

      NANGHIHIMAGOD si Baruc, ang tapat na eskriba ni Jeremias. Ikaapat na taon noon ng paghahari ng balakyot na si Haring Jehoiakim, mga 625 B.C.E. Sinabihan ni Jeremias ang eskriba na isulat sa isang balumbon ang lahat ng sinalita ni Jehova tungkol sa Jerusalem at Juda, mga kapahayagang tinanggap ng propeta sa loob ng mahigit 23 taon na. (Jer. 25:1-3; 36:1, 2) Hindi pa binabasa noon ni Baruc sa mga Judio ang nilalaman ng balumbon. Sa susunod pang taon niya gagawin iyon. (Jer. 36:9, 10) Pero ano ang bumabagabag kay Baruc?

      2 “Sa aba ko ngayon,” ang buntunghininga ni Baruc, “sapagkat dinagdagan ni Jehova ng pamimighati ang aking kirot! Nanghimagod ako dahil sa aking pagbubuntunghininga.” Minsan nanghihimagod ka rin siguro, naibubulalas mo man ito o nasa puso mo lang. Paano man ito naipahayag ni Baruc, narinig iyon ni Jehova. Alam ng Tagasuri ng puso kung ano ang bumabagabag kay Baruc, at sa pamamagitan ni Jeremias, may-kabaitan siyang itinuwid ng Diyos. (Basahin ang Jeremias 45:1-5.) Pero baka maitanong mo, Bakit nga ba nanghihimagod si Baruc? Ang atas ba niya ang problema o ang sitwasyon sa paligid? Hindi. Puso niya ang problema. Kasi “humahanap ng mga dakilang bagay” si Baruc. Anu-ano iyon? Ano ang sinabi ni Jehova na maaasahan niya kung susunod siya sa payo at tagubilin ng Diyos? At ano ang matututuhan natin sa karanasan ni Baruc?

  • Huwag Humanap ng “mga Dakilang Bagay Para sa Iyong Sarili”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • 5 Hindi ka siguro magtataka kung manlambot man ang nasa gayong mataas na posisyon kapag sunud-sunod na mabibigat na hatol laban sa Juda ang ipinasulat sa kaniya. Baka nameligro pa nga ang posisyon at propesyon ni Baruc dahil sa pagtulong niya sa propeta ng Diyos. At paano pa kapag giniba na ni Jehova ang itinayo niya, gaya ng mababasa sa Jeremias 45:4. Ang “mga dakilang bagay” na nasa isip ni Baruc​—karagdagang karangalan man o materyal na kayamanan​—ay maaaring mawalan ng saysay. Kung naghahangad man si Baruc ng magandang posisyon sa Judiong sistema na noo’y biláng na ang mga araw, tama lang na ituwid siya ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share