Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Sundin Mo, Pakisuyo, ang Tinig ni Jehova”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • 12. Kung minsan, ano ang dapat gawin ng mga elder para maingatan ang kongregasyon?

      12 Binale-wala ng maraming Judio ang tulong na paulit-ulit na ibinibigay ni Jehova sa pamamagitan ni Jeremias. Sa ngayon, may mga nakagawa ng malubhang kasalanan na ayaw magsisi at tumanggap ng tulong ng mga elder. Sa ganitong kalagayan, dapat sundin ng mga elder ang tagubilin ng Kasulatan na ingatan ang kongregasyon sa pamamagitan ng pagtitiwalag sa nagkasala. (1 Cor. 5:11-13; tingnan ang kahong “Pamumuhay Nang Walang Kautusan,” sa pahina 73.) Pero ibig bang sabihin ay wala na siyang pag-asa, na hindi na siya puwedeng bumalik kay Jehova? Hindi. Mahabang panahong naging mapaghimagsik ang mga Israelita; pero hinimok pa rin sila ng Diyos: “Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail. Pagagalingin ko ang inyong pagkasuwail.” (Jer. 3:22)a Hinihimok ni Jehova ang mga nagkasala na manumbalik. Sa katunayan, inuutusan niya silang gawin ito.

      PAMUMUHAY NANG WALANG KAUTUSAN

      Kumusta ang mga Judio pagkawasak ng Jerusalem? May bahagyang paglalarawan si Jeremias sa Panaghoy 2:9. Bagsak ang mga pader, marahil pati ang pintuang-daan na dating nagsasanggalang sa lunsod. At ang mas mabigat pa diyan, “walang kautusan.” Ang ibig bang sabihin ni Jeremias ay nagkakagulo ang mga nakaligtas? Malamang na ang tinutukoy niya ay ang pagkawala ng espirituwal na kapanatagan ng mga Judio, noong tinuturuan pa sila ng tapat na mga saserdote at mga propeta tungkol sa Kautusan ng Diyos. Ang mga bulaang propeta na pinakikinggan nila ngayon ay walang maibigay na tunay na ‘pangitain,’ o patnubay, mula kay Jehova; walang kabuluhan ang kanilang ‘pangitain.’​—Panag. 2:14.

      Ganiyan ang maaaring madama ng isa na natiwalag mula sa kongregasyong Kristiyano. Wala na ang dating mainit na pakikipagkaibigan sa kaniya ng mga kapatid, gayundin ang maibiging pangangalaga ng mga elder. Wala na rin ang napakahalagang espirituwal na pagtuturo na dating natatanggap niya. Sa sanlibutan, kung saan “walang kautusan” mula kay Jehova, baka pakiramdam niya’y wala siyang matatakbuhan. Gayunman, puwede siyang bumalik at muling tanggapin at pagpalain ni Jehova. (2 Cor. 2:6-10) Tiyak na sasang-ayon ka na ang pagsunod kay Jehova ay di-hamak na mas mabuti kaysa sa pamumuhay nang walang kautusan.

  • “Sundin Mo, Pakisuyo, ang Tinig ni Jehova”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • a Kausap dito ni Jehova ang hilagang kaharian ng Israel. Mga 100 taon nang tapon ang sampung-tribong kaharian na iyon nang ihayag ni Jeremias ang mensaheng ito. Ipinakita niya na hanggang sa panahong iyon, hindi pa rin sila nagsisisi. (2 Hari 17:16-18, 24, 34, 35) Pero bilang mga indibiduwal, makababalik sila kay Jehova at sa kanilang lupain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share