-
Mayroon Ka Bang “Isang Puso Upang Makilala” si Jehova?Ang Bantayan—2013 | Marso 15
-
-
8, 9. May kinalaman sa kanilang puso, ano ang kailangang gawin ng karamihan sa mga Judio?
8 Para maunawaan ang ibig sabihin ng “pusong di-tuli,” pansinin natin kung ano ang sinabi ng Diyos sa mga Judio: “Alisin ninyo ang mga dulong-balat ng inyong mga puso, kayong mga tao ng Juda at mga tumatahan sa Jerusalem; upang ang aking pagngangalit ay huwag lumabas . . . dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo.” Saan nagmula ang kanilang masasamang pakikitungo? Sa loob, mula sa kanilang puso. (Basahin ang Marcos 7:20-23.) Sa pamamagitan ni Jeremias, tinukoy ng Diyos ang pinagmumulan ng masasamang pakikitungo ng mga Judio. Ang puso nila ay sutil at mapaghimagsik. Hindi kalugud-lugod sa kaniya ang kanilang mga motibo at pag-iisip. (Basahin ang Jeremias 5:23, 24; 7:24-26.) Kaya naman sinabi sa kanila ng Diyos: “Magpatuli kayo para kay Jehova, at alisin ninyo ang mga dulong-balat ng inyong mga puso.”—Jer. 4:4; 18:11, 12.
9 Kung gayon, ang mga Judio noong panahon ni Jeremias ay nangangailangan ng makasagisag na operasyon sa puso—ang ‘pagtutuli ng puso’—gaya rin ng mga Israelita noong panahon ni Moises. (Deut. 10:16; 30:6) Kailangan nilang ‘alisin ang dulong-balat ng kanilang puso.’ Ibig sabihin, kailangan nilang alisin ang anumang nagpapamanhid sa kanilang puso—mga kaisipan, pagnanasa, o motibo na salungat sa kalooban ng Diyos.—Gawa 7:51.
-
-
Mayroon Ka Bang “Isang Puso Upang Makilala” si Jehova?Ang Bantayan—2013 | Marso 15
-
-
11, 12. (a) Bakit dapat suriin ng bawat isa ang kaniyang puso? (b) Ano ang hindi gagawin ng Diyos?
11 Nais ni Jehova na magkaroon tayo ng sinang-ayunang katayuan sa harap niya at mapanatili ito. Sinabi ni Jeremias: “Ikaw, O Jehova ng mga hukbo, ang sumusuri sa matuwid; nakikita mo ang mga bato at ang puso.” (Jer. 20:12) Kung sinusuri ng Makapangyarihan-sa-lahat kahit ang puso ng matuwid, hindi ba dapat din nating tapatang suriin ang ating sarili? (Basahin ang Awit 11:5.) Habang ginagawa ito, baka makita natin na mayroon tayong saloobin, tunguhin, o damdamin na kailangang ituwid. Baka matuklasan natin na may nagpapamanhid sa ating puso, isang ‘dulong-balat ng ating puso,’ wika nga, na kailangan pala nating alisin. Iyan ay makasagisag na operasyon sa ating puso. Kung gayon, anong maling saloobin o damdamin ang maaaring nasa puso natin? Paano tayo makagagawa ng kinakailangang pagbabago?—Jer. 4:4.
-