Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Marunong Siya” Ngunit Mapagpakumbaba
    Maging Malapít kay Jehova
    • 3 Si Jehova ay banal. Kaya ang kayabangan, isang katangiang nagpaparumi, ay wala sa kaniya. (Marcos 7:20-22) Isa pa, pansinin ang sinabi ni propeta Jeremias kay Jehova: “Tiyak na maaalaala mo ito at yuyuko ka para sa akin.”a (Panaghoy 3:20) Akalain mo! Si Jehova, ang Kataas-taasang Panginoon ng uniberso, ay handang ‘yumuko,’ o magpakababa na kapantay ni Jeremias, upang bigyan ng pabor ang di-perpektong taong iyan. (Awit 113:7) Oo, si Jehova ay mapagpakumbaba. Subalit ano ba ang nasasangkot sa makadiyos na pagpapakumbaba? Paano ito nauugnay sa karunungan? At bakit ito mahalaga sa atin?

  • “Marunong Siya” Ngunit Mapagpakumbaba
    Maging Malapít kay Jehova
    • a Pinalitan ng sinaunang mga eskriba, o Sopherim, ang talatang ito upang sabihin na si Jeremias ang yumuyuko at hindi si Jehova. Maliwanag na inisip nilang hindi angkop para sa Diyos ang gayong gawa ng pagpapakumbaba. Bilang resulta, hindi tuloy naipalilitaw sa maraming salin ang punto ng magandang talatang ito. Gayunman, tamang-tama ang The New English Bible sa sinasabi ni Jeremias sa Diyos: “Alalahanin mo, O alalahanin mo, at tumungo ka sa akin.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share