Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Ang Iyong Kaluluwa ay Yuyuko sa Ibabaw Ko’
    Ang Bantayan—2012 | Hunyo 1
    • ANG kapakumbabaan ay isang kaakit-akit na katangian. Karaniwan nang gusto nating kasama ang mga mapagpakumbaba. Pero nakalulungkot, bihira nang makita sa daigdig ngayon ang tunay na kapakumbabaan​—lalo na sa mga nasa kapangyarihan o may awtoridad. Kumusta naman ang Diyos na Jehova, ang pinakamakapangyarihang Persona sa uniberso? Mapagpakumbaba ba siya? Tingnan natin ang sinabi ni propeta Jeremias sa Panaghoy 3:20, 21.​—Basahin.

  • ‘Ang Iyong Kaluluwa ay Yuyuko sa Ibabaw Ko’
    Ang Bantayan—2012 | Hunyo 1
    • Si Jeremias ay nakatitiyak na si Jehova ay “yuyuko” sa ibabaw ng mga tunay na nagsisisi. Ganito ang sinabi ng ibang salin: “O maalaala, at tumungó sa akin.” Tinutulungan tayo ng mga pananalitang ito na maisip kung gaano kabait si Jehova. Siya, “ang Kataas-taasan sa buong lupa,” ay tutungó, wika nga, at itataas niya ang kaniyang mga mananamba mula sa kanilang abang kalagayan at muli niya silang sasang-ayunan. (Awit 83:18) Dahil sa pag-asang ito, nakasumpong si Jeremias ng tunay na kaaliwan sa kaniyang kalungkutan. Determinado ang tapat na propetang ito na hintayin ang takdang panahon ni Jehova para iligtas ang Kaniyang nagsisising bayan.​—Talata 21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share