-
Si Jehova ang Aking BahagiAng Bantayan—2011 | Setyembre 15
-
-
Naging Bahagi Nila si Jehova
8. Ano ang ikinabahala ni Asap?
8 Si Jehova ang bahagi ng mga Levita bilang isang tribo. Pero ginamit din ng indibiduwal na mga Levita ang pananalitang “si Jehova ang aking bahagi” para ipahayag ang kanilang debosyon at pananalig sa Diyos. (Panag. 3:24) Isa sa kanila ang mang-aawit at mangangatha na tatawagin nating Asap. Pero posibleng isa lamang siya sa mga miyembro ng sambahayan ni Asap, ang Levitang nanguna sa mga mang-aawit noong panahon ni Haring David. (1 Cro. 6:31-43) Sa Awit 73, mababasa natin na si Asap (o isa sa kaniyang mga inapo) ay nabahala. Nainggit siya sa mga balakyot na namumuhay nang sagana at nasabi niya: “Tunay na walang kabuluhan ang paglilinis ko ng aking puso at ang paghuhugas ko ng aking mga kamay sa kawalang-sala.” Lumilitaw na naiwala niya ang pagpapahalaga sa kaniyang pribilehiyo; nalimutan niyang si Jehova ang kaniyang bahagi. Nanghina siya sa espirituwal, “hanggang sa [siya] ay pumasok sa maringal na santuwaryo ng Diyos.”—Awit 73:2, 3, 12, 13, 17.
-
-
Si Jehova ang Aking BahagiAng Bantayan—2011 | Setyembre 15
-
-
11. Ano ang itinanong ni Jeremias kay Jehova, at paano siya sinagot?
11 Isa pang Levita na kumilalang si Jehova ang kaniyang bahagi ay si propeta Jeremias. Pag-isipan natin kung ano ang ibig niyang sabihin sa pananalitang iyan. Si Jeremias ay nakatira sa Anatot, isang lunsod ng mga Levita malapit sa Jerusalem. (Jer. 1:1) Nabahala si Jeremias: Bakit umuunlad ang balakyot samantalang nagdurusa ang matuwid? (Jer. 12:1) Nang makita niya ang nangyayari sa Jerusalem at Juda, ‘dumaing’ siya. Alam ni Jeremias na matuwid si Jehova. Ang mga hulang ipinasulat ni Jehova kay Jeremias at ang pagtupad Niya sa mga hulang iyon ay naging sagot sa tanong ng propeta. Gaya ng inihula, ang mga sumunod sa tagubilin ni Jehova ay tumanggap ng ‘kanilang kaluluwa bilang samsam,’ samantalang ang mga balakyot na hindi nakinig sa babala ay napuksa.—Jer. 21:9.
12, 13. (a) Bakit nasabi ni Jeremias: “Si Jehova ang aking bahagi,” at anong saloobin ang taglay niya? (b) Bakit kailangang magkaroon ng mapaghintay na saloobin ang lahat ng tribo ng Israel?
12 Nang makita ni Jeremias ang kagibaan ng kaniyang bayan, pakiramdam niya’y naglalakad siya sa kadiliman. Para bang “pinaupo [siya ni Jehova] tulad ng mga taong mahabang panahon nang patay.” (Panag. 1:1, 16; 3:6) Hinimok ni Jeremias ang suwail na bansa na manumbalik sa kanilang makalangit na Ama, pero umabot sa sukdulan ang kanilang kasamaan kung kaya hinayaan ng Diyos na mapuksa ang Jerusalem at Juda. Masakit ito para kay Jeremias, bagaman siya mismo ay walang kasalanan. Sa panahon ng kaniyang kapighatian, naalaala ng propeta ang kaawaan ng Diyos. “Hindi pa tayo nalilipol,” ang sabi niya. Ang kaawaan ni Jehova ay bago sa bawat umaga! Kaya naman nasabi ni Jeremias: “Si Jehova ang aking bahagi.” Patuloy siyang naglingkod kay Jehova bilang propeta.—Basahin ang Panaghoy 3:22-24.
13 Sa loob ng 70 taon, mawawalan ng sariling lupain ang mga Israelita. Magiging tiwangwang ito. (Jer. 25:11) Pero sa pagsasabing “si Jehova ang aking bahagi,” ipinakita ni Jeremias na nagtitiwala siya sa awa ng Diyos. Dahil dito, nagkaroon siya ng “mapaghintay na saloobin.” Nawalan ng mana ang lahat ng tribo ng Israel, kaya naman kailangan nilang magkaroon ng saloobing katulad ng sa propeta. Si Jehova ang tanging pag-asa nila. Pagkaraan ng 70 taon, ang bayan ng Diyos ay bumalik sa kanilang sariling lupain at nagkapribilehiyong maglingkod sa kaniya roon.—2 Cro. 36:20-23.
-