Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Jehova’y Nagbibigay ng Pag-asa sa Gitna ng Kapanglawan
    Ang Bantayan—1988 | Setyembre 1
    • Matuwid si Jehova sa pagpaparusa sa mga manggagawa ng kasamaan. Ito’y inaamin ng Jerusalem mismo sa kaniyang pagsasalita. Kaniyang itinatanong kung mayroong anumang kapanglawan na gaya ng pinapangyari ng Diyos na maranasan niya. Ang Diyos ay nagpadala ng apoy na sumupok sa templo. Ang mga kasalanan ng lunsod ay naging mistulang pamatok, at ang dugo ay naging mistulang katas na umaagos samantalang niyuyurakan ng Diyos ang “pisaan ng ubas” ng lunsod. Inilaladlad ng Sion ang kaniyang mga kamay dahil sa pamimighati at pagmamakaawa ngunit hindi nakasumpong ng mang-aaliw, at si Jehova ay matuwid sa pagpaparusa sa mapaghimagsik na Jerusalem. Sana’y kaniyang pakitunguhan nang gayong kabagsik ang kaniyang nagkakatuwaang mga kaaway.​—1:12-22.

  • Si Jehova’y Nagbibigay ng Pag-asa sa Gitna ng Kapanglawan
    Ang Bantayan—1988 | Setyembre 1
    • ◻ 1:15​—‘Niyapakan ni Jehova ang mismong pisaan ng ubas ng anak na dalaga ng Juda’ sapagkat kaniyang ipinag-utos at ipinahintulot ang nangyari. “Ang anak na dalaga ng Juda” ay ang Jerusalem, ipinalalagay na gaya ng isang malinis na babae. Nang wasakin ng mga Babiloniko ang kabiserang lunsod na iyon ng Juda noong 607 B.C.E. napakaraming nabubong dugo, katulad ng pagpiga ng katas mula sa ubas sa isang pisaan ng ubas. Titiyakin ni Jehova na ang Sangkakristiyanuhan, ang antitipikong Jerusalem, ay pipisain din na tulad noon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share