-
Sino ang “Buháy na mga Nilalang na May Apat na Mukha”?Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
15. Anong nakapagpapatibay na katotohanan ang natutuhan ni Ezekiel sa unang pangitain niya?
15 Sa unang pangitaing ito, natutuhan ni Ezekiel ang isang mahalaga at nakapagpapatibay na katotohanan tungkol sa kaugnayan niya kay Jehova. Ano iyon? Mababasa iyan sa pasimula ng aklat niya. Matapos sabihin ni Ezekiel na siya ay nasa “lupain ng mga Caldeo,” sinabi niya patungkol sa sarili niya: “Doon, sumakaniya ang kapangyarihan ni Jehova.” (Ezek. 1:3) Pansinin na sa sinabi ni Ezekiel, hindi niya sa Jerusalem nakita ang pangitain, kundi doon—sa Babilonya.c Ano ang natutuhan dito ni Ezekiel? Na kahit isa siyang hamak na tapon na inilayo sa Jerusalem at sa templo nito, hindi naman siya nailayo kay Jehova at sa pagsamba sa Kaniya. Dahil ipinadama ni Jehova kay Ezekiel na naroon din Siya sa Babilonya, ipinapakita nito na ang pagsamba sa Diyos sa dalisay na paraan ay hindi nakadepende sa lugar o kalagayan. Nakadepende ito sa saloobin ni Ezekiel at sa kagustuhan niyang maglingkod kay Jehova.
-
-
Sino ang “Buháy na mga Nilalang na May Apat na Mukha”?Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
c Sa iisang salitang “doon,” ang sabi ng isang komentarista sa Bibliya, “eksaktong naitawid ang matinding pagkamangha. . . . Naroon ang Diyos sa Babilonya! Talagang nakapagpapatibay!”
-