-
“Dumating Na ang Kawakasan Mo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
6. (a) Ano ang dalawang papel na sabay na isinadula ni Ezekiel? (b) Ano ang ipinapahiwatig ng utos ng Diyos na ‘kumuha ng timbangan para matimbang at mahati ang buhok sa tatlong bahagi’?
6 Ang kawakasan ng Jerusalem at ng bayan. Sa bahaging ito ng hula, sabay na isinadula ni Ezekiel ang dalawang papel. Ang isa ay kung ano ang gagawin ni Jehova. Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Kumuha ka ng isang matalas na espada para magamit mong gaya ng labaha ng barbero.” (Basahin ang Ezekiel 5:1, 2.) Ang kamay ni Ezekiel na may hawak na espada ay kumakatawan sa kamay ni Jehova—ang paghatol niya—na isasagawa ng hukbo ng Babilonya. Bukod diyan, isinadula rin ni Ezekiel ang mararanasan ng mga Judio. Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Ahitin mo ang iyong balbas at buhok sa ulo.” Inilalarawan ng pag-ahit ni Ezekiel sa kaniyang ulo kung paano sasalakayin at papatayin ang mga Judio. At ang utos na ‘kumuha ng timbangan para matimbang at mahati ang buhok sa tatlong bahagi’ ay nagpapahiwatig na ang paghatol ni Jehova sa Jerusalem ay planado at isasagawa nang lubusan.
-
-
6A “Ahitin Mo ang Iyong Balbas at Buhok sa Ulo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
“Ahitin”
Ang mga Judio ay sasalakayin at papatayin
‘Timbangin at Hatiin’
Planado at lubusang isasagawa ang paghatol
-