Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Dumating Na ang Kawakasan Mo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 8. (a) Anong pag-asa ang nilalaman ng hula ni Ezekiel? (b) Paano natupad ang hula tungkol sa “ilang hibla”?

      8 Pero ang hula ni Ezekiel ay naglalaman din ng pag-asa. Tungkol sa inahit na buhok ni Ezekiel, iniutos ni Jehova: “Kumuha ka . . . ng ilang hibla, at ilagay mo ang mga iyon sa tupi ng damit mo.” (Ezek. 5:3) Ipinapakita nito na hindi mamamatay ang ilan sa mga Judio na mangangalat sa ibang mga bansa. Mula sa “ilang hibla” na iyon, may ilang makakasama sa mga babalik sa Jerusalem pagkatapos ng 70-taóng pagkabihag sa Babilonya. (Ezek. 6:8, 9; 11:17) Natupad ba ang hulang iyon? Oo. Makalipas ang ilang taon pagkalaya ng mga Judio sa Babilonya, iniulat ni propeta Hagai na ang ilan sa nangalat na mga Judio ay talagang nakabalik sa Jerusalem. Sila ang “matatandang lalaki na nakakita sa unang bahay,” o templo ni Solomon. (Ezra 3:12; Hag. 2:1-3) Sinigurado ni Jehova na maiingatan ang dalisay na pagsamba, gaya ng ipinangako niya. Tatalakayin sa Kabanata 9 ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabalik na iyon.—Ezek. 11:17-20.

  • 6A “Ahitin Mo ang Iyong Balbas at Buhok sa Ulo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
      • Inilalagay ni Ezekiel sa tupi ng damit niya ang ilang hibla ng buhok niya

        ‘Ilagay sa Tupi ng Damit’

        May ilang ipinatapon na babalik sa Jerusalem, at maiingatan ang dalisay na pagsamba

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share