Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Bibigyan Ko Sila ng Iisang Puso”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 11 Noong panahong nangingibabaw ang Sangkakristiyanuhan, mayroon pa ring tunay na mga Kristiyano, ang “trigo” sa ilustrasyon ni Jesus. Gaya ng mga Judiong tapon na inilalarawan sa Ezekiel 6:9, naalaala nila ang tunay na Diyos. Lakas-loob na kinontra ng ilan sa kanila ang huwad na mga turo ng Sangkakristiyanuhan. Hinamak sila at pinag-usig. Pababayaan na lang ba ni Jehova ang bayan niya sa espirituwal na kadilimang iyan? Siyempre hindi! Gaya ng nangyari sa sinaunang Israel, nasa tamang antas ang galit ni Jehova at makatuwiran ang haba ng panahon ng pagpapakita niya nito. (Jer. 46:28) Bukod diyan, binigyan ni Jehova ng pag-asa ang bayan niya na makakalaya sila. Tingnan kung paano iyan ginawa ni Jehova para sa mga Judiong tapon sa Babilonya.

      Noong mga siglo na nangingibabaw ang Sangkakristiyanuhan, pinag-usig ang tunay na mga Kristiyano

      Sa loob ng maraming siglo, pinag-usig ng Babilonyang Dakila ang tunay na mga Kristiyano (Tingnan ang parapo 10, 11)

  • “Bibigyan Ko Sila ng Iisang Puso”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 13 Mayroon ding mga tapat sa mga Judiong tapon sa Babilonya. Bukod diyan, sa pamamagitan ni Ezekiel, inihula ng Diyos na magsisisi ang ilan sa ipinatapong bayan Niya. Maaalaala ng mga Judiong iyon ang kahiya-hiyang mga bagay na ginawa nila bilang pagrerebelde sa Diyos, at magmamakaawa sila para sa kapatawaran at pagsang-ayon ni Jehova. (Ezek. 6:8-10; 12:16) Kasama sa mga tapat si Ezekiel, pati na si propeta Daniel at ang tatlong kasama nito. Sa katunayan, naabutan ni Daniel ang simula at ang wakas ng pagkatapon. Nakaulat sa Daniel kabanata 9 ang taimtim na panalangin niya para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng Israel. Siguradong ganiyan din ang nadama ng libo-libong tapon na naghahangad na mapatawad ni Jehova at muling tumanggap ng pagpapala niya. Talagang nakakatuwa ang mga pangakong iniulat ni Ezekiel tungkol sa paglaya at pagbabalik!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share