-
“Tingnan Mo ang Masama at Kasuklam-suklam na mga Bagay na Ginagawa Nila”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
Ikalawang Eksena: 70 Matatandang Lalaki na Naghahandog ng Insenso sa Huwad na mga Diyos
11. Anong nakakakilabot na mga bagay ang nakita ni Ezekiel pagpasok niya sa maliit na looban na malapit sa altar ng templo?
11 Basahin ang Ezekiel 8:7-12. Pagkatapos lakihan ni Ezekiel ang isang butas sa pader, pumasok siya roon at nakarating sa maliit na looban na malapit sa altar ng templo. Dito, nakita niyang nakaukit sa pader ang mga “gumagapang na nilikha at nakapandidiring hayop at ang lahat ng karima-rimarim na idolo.”c Lumalarawan ang mga ito sa huwad na mga diyos. Mas nakakakilabot pa ang sumunod na nakita ni Ezekiel: “70 mula sa matatandang lalaki ng sambahayan ng Israel” ang nakatayo “sa dilim” at naghahandog ng insenso sa huwad na mga diyos. Sa Kautusan, ang pagsusunog ng mabangong insenso ay kumakatawan sa katanggap-tanggap na panalangin ng tapat na mga mananamba. (Awit 141:2) Pero ang inihahandog ng 70 lalaking iyon sa huwad na mga diyos ay umaalingasaw para kay Jehova. Ang mga panalangin nila ay mabaho para sa kaniya. (Kaw. 15:8) Dinaraya ng mga lalaking ito ang sarili nila at iniisip: “Hindi tayo nakikita ni Jehova.” Pero nakita sila ni Jehova, at ipinakita pa nga niya kay Ezekiel kung ano ang ginagawa nila sa Kaniyang templo!
Nakikita ni Jehova ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa “sa dilim” (Tingnan ang parapo 11)
12. Bakit dapat tayong maging tapat kahit “sa dilim”? Sino ang lalo nang dapat magpakita ng mabuting halimbawa rito?
12 Ano ang matututuhan natin sa ulat na ito ni Ezekiel? Para pakinggan ng Diyos ang panalangin natin—at para manatiling dalisay ang pagsamba natin sa kaniya—dapat tayong maging tapat kahit “sa dilim.” (Kaw. 15:29) Tandaan na nakikita ni Jehova ang lahat ng ginagawa natin. Kung totoo sa atin si Jehova, hindi tayo gagawa ng anumang ayaw niya kapag mag-isa lang tayo. (Heb. 4:13) Ang mga elder sa kongregasyon ang lalo nang dapat magpakita ng mabuting halimbawa sa pamumuhay bilang Kristiyano. (1 Ped. 5:2, 3) Makatuwiran lang na asahan ng kongregasyon na ang elder na nakatayo sa harapan at nangunguna sa kanila sa mga pulong ay namumuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya kahit “sa dilim,” o kahit walang ibang nakakakita sa kaniya.—Awit 101:2, 3.