Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 5A “Anak ng Tao, Nakikita Mo Ba Ito?”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • “Tingnan Mo ang Masama at Kasuklam-suklam na mga Bagay na Ginagawa Nila”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • Ikatlong Eksena: “Mga Babaeng . . . Iniiyakan ang Diyos na si Tamuz”

      Iniiyakan ng mga babae ang diyos na si Tamuz

      13. Ano ang nakita ni Ezekiel na ginagawa ng apostatang mga babae sa isang pintuang-daan ng templo?

      13 Basahin ang Ezekiel 8:13, 14. Pagkatapos ng dalawang kasuklam-suklam na eksena, sinabi ulit ni Jehova kay Ezekiel: “May makikita ka pang mas kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa nila.” Ano ang sumunod na nakita ng propeta? “Sa pasukan ng hilagang pintuang-daan ng bahay ni Jehova,” may nakita siyang “mga babaeng nakaupo at iniiyakan ang diyos na si Tamuz.” Si Tamuz, isang diyos ng Mesopotamia, ay tinatawag ding Dumuzi sa mga akdang Sumeryano at kinikilalang ang mangingibig ng diyosa ng pag-aanak na si Ishtar.d Lumilitaw na ang pag-iyak ng mga babaeng Israelita ay bahagi ng relihiyosong ritwal na may kaugnayan sa kamatayan ni Tamuz. Sa paggawa nito sa templo ni Jehova, ang mga babaeng ito ay nagsasagawa ng paganong ritwal sa sentro ng dalisay na pagsamba. Pero hindi nagiging banal ang isang paganong gawain dahil lang sa ginagawa ito sa templo ng Diyos. Para kay Jehova, “kasuklam-suklam” ang ginagawa ng apostatang mga babaeng iyon.

      14. Ano ang matututuhan natin sa pananaw ni Jehova sa ginagawa ng apostatang mga babae?

      14 Ano ang matututuhan natin sa pananaw ni Jehova sa ginagawa ng mga babaeng iyon? Para manatiling dalisay ang pagsamba natin, huwag natin itong haluan ng maruruming paganong gawain. Kaya hindi tayo makikibahagi sa mga pagdiriwang na may paganong pinagmulan. Mahalaga ba talaga ang pinagmulan? Oo! Baka parang wala namang masama sa mga gawain ngayon na may kaugnayan sa ilang pagdiriwang gaya ng Pasko at Easter. Pero tandaan na nakita mismo ni Jehova ang paganong pinagmulan ng mga pagdiriwang sa ngayon. Para kay Jehova, kasuklam-suklam pa rin ang paganong mga gawain kahit pa lumipas na ang mahabang panahon o inihalo ito ng ilan sa dalisay na pagsamba.—2 Cor. 6:17; Apoc. 18:2, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share