Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Markahan Mo sa Noo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 16. Bilang bayan ni Jehova, minamarkahan ba natin ang mga makaliligtas? Ipaliwanag.

      16 Hindi minamarkahan ng bayan ni Jehova ang mga makaliligtas. Alalahanin na hindi inutusan si Ezekiel na maglibot sa Jerusalem para magmarka. Hindi rin inatasan ang bayan ni Jehova sa ngayon na markahan ang nararapat maligtas. Sa halip, bilang mga lingkod ng sambahayan ni Kristo, ang atas natin ay mangaral. Ipinapakita nating sineseryoso natin ang atas na iyan kung masigasig tayong nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at nagbababala tungkol sa nalalapit na wakas ng masamang sanlibutang ito. (Mat. 24:14; 28:18-20) Sa ganitong paraan, natutulungan natin ang mga tapat-puso na tanggapin ang dalisay na pagsamba.​—1 Tim. 4:16.

      Binabautismuhan ang isang babae

      KAHON 16B: Pagbubuntonghininga at Pagdaing, Pagmamarka, Pagdurog​—Kailan at Paano?

      17. Ano ang dapat gawin ng mga tao ngayon para mamarkahan sila?

      17 Para makaligtas ang mga tao sa nalalapit na pagkapuksa, dapat nilang ipakita ngayon ang pananampalataya nila. Gaya ng nabanggit na, bago pa mawasak ang Jerusalem noong 607 B.C.E., ipinakita na ng mga nakaligtas na kinasusuklaman nila ang kasamaan at naninindigan sila sa dalisay na pagsamba. Ganiyan din sa ngayon. Bago ang pagpuksa, ang mga indibidwal ay dapat na “nagbubuntonghininga at dumaraing,” o lungkot na lungkot, dahil sa kasamaan sa mundong ito. At sa halip na itago ang nadarama nila, dapat nilang ipakita sa sinasabi at ginagawa nila na naninindigan sila sa dalisay na pagsamba. Paano? Dapat silang tumugon nang positibo sa pangangaral sa ngayon, patuloy na magsuot ng tulad-Kristong personalidad, magpabautismo bilang simbolo ng pag-aalay kay Jehova, at patuloy na sumuporta sa mga kapatid ni Kristo. (Ezek. 9:4; Mat. 25:34-40; Efe. 4:22-24; 1 Ped. 3:21) Ang mga tao lang na gumagawa nito ngayon, na mapatutunayang tapat kapag nagsimula ang malaking kapighatian, ang mamarkahan para makaligtas.

      18. (a) Paano at kailan mamarkahan ni Jesu-Kristo ang mga karapat-dapat? (b) Kailangan bang markahan ang tapat na mga pinahiran? Ipaliwanag.

      18 Si Jesus ang magmamarka sa mga karapat-dapat. Noong panahon ni Ezekiel, may papel ang mga anghel sa pagmamarka. Sa panahon natin, ang lalaking may tintero ng kalihim ay kumakatawan kay Jesu-Kristo kapag ‘dumating na siya na may malaking awtoridad’ bilang Hukom ng lahat ng bansa. (Mat. 25:31-33) Mangyayari ito sa malaking kapighatian, matapos puksain ang huwad na relihiyon.c Sa panahong iyon, bago magsimula ang Armagedon, hahatulan ni Jesus ang mga tao bilang tupa o kambing. Ang mga kasama sa “malaking pulutong” ay hahatulan, o mamarkahan, bilang tupa, na nagpapakitang sila ay “tatanggap ng buhay na walang hanggan.” (Apoc. 7:9-14; Mat. 25:34-40, 46) Kumusta naman ang tapat na mga pinahiran? Hindi sila kailangang markahan para makaligtas sa Armagedon. Sa halip, mangyayari ang pangwakas na pagtatatak sa kanila bago sila mamatay o bago mag-umpisa ang malaking kapighatian. Pagkatapos, bago magsimula ang Armagedon, bubuhayin sila tungo sa langit.​—Apoc. 7:1-3.

  • 16B Pagbubuntonghininga at Pagdaing, Pagmamarka, Pagdurog—Kailan at Paano?
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • Ang lalaking may tintero ng kalihim

      “Pagmamarka”

      KAILAN: Sa malaking kapighatian

      PAANO: Ang lalaking may tintero ng kalihim ay kumakatawan kay Jesu-Kristo kapag dumating na siya bilang Hukom ng lahat ng bansa. Ang mga kasama sa malaking pulutong ay mamarkahan bilang tupa, na nagpapakitang makaliligtas sila sa Armagedon

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share