Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Hunyo
    • Pagkakita ni Ezekiel sa masasamang bagay na ginagawa sa apostatang Jerusalem bago ito mawasak noong 607 B.C.E., binigyan siya ng pangitain tungkol sa mga mangyayari bago ang pagkawasak na iyon. Nakakita siya ng anim na lalaking may mga sandatang pandurog. Nakakita rin siya ng isang lalaki na kasama ng mga ito na “nadaramtan ng lino” at may “tintero ng kalihim.” (Ezek. 8:6-12; 9:2, 3) Sinabihan ang lalaking ito: “Dumaan ka sa gitna ng lunsod, . . . at lagyan mo ng marka ang mga noo ng mga taong nagbubuntunghininga at dumaraing dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay na ginagawa sa gitna nito.” Sumunod, sinabihan ang mga lalaking may mga sandatang pandurog na patayin ang lahat ng nasa lunsod na walang marka. (Ezek. 9:4-7) Ano ang matututuhan natin sa pangitaing ito, at sino ang lalaking may tintero ng kalihim?

      Ibinigay ang hulang ito noong 612 B.C.E., at una itong natupad pagkaraan lang ng limang taon nang wasakin ng mga hukbong Babilonyo ang Jerusalem. Bagaman pinahintulutan ang paganong mga Babilonyo na wasakin ang lunsod, nagsilbi lang silang tagapuksa ni Jehova. (Jer. 25:9, 15-18) Ito ay dahil ginamit sila ni Jehova para parusahan ang kaniyang apostatang bayan. Pero may mga nakaligtas sa pagpuksang ito. Hindi nadamay sa masasama ang mga matuwid. Gumawa si Jehova ng kaayusan para iligtas ang mga Judiong hindi sang-ayon sa mga karima-rimarim na bagay na nangyayari sa lunsod.

      Hindi nakibahagi si Ezekiel sa gawaing pagmamarka o sa mismong pagpuksa. Sa halip, mga anghel ang nangasiwa sa paglalapat ng hatol. Kaya sa pamamagitan ng hulang ito, para tayong pinahihintulutang sumilip sa mga nangyayari sa langit. Inatasan ni Jehova ang mga anghel hindi lang para isaayos ang pagpuksa sa masasama kundi para ihiwalay rin ang mga matuwid para sa kaligtasan.a

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Hunyo
    • Ipinaliwanag natin noon na sa makabagong-panahong katuparan ng pangitaing ito, ang lalaking may tintero ng kalihim ay kumakatawan sa mga pinahirang nalabi. Inakala natin na ang mga tumatanggap sa mensaheng ipinangangaral natin ay minamarkahan na para sa kaligtasan. Pero nitong nakalipas na mga taon, naging malinaw na kailangan nating baguhin ang paliwanag dito. Ayon sa Mateo 25:31-33, si Jesus ang hahatol sa mga tao. Ibibigay niya ang kaniyang pangwakas na hatol sa panahon ng malaking kapighatian, na pinaghihiwalay ang mga tulad-tupa na maliligtas at ang mga tulad-kambing na mapupuksa.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Hunyo
      1. Noong panahon ni Ezekiel, walang literal na marka ang inilalagay sa noo ng mga makaliligtas. Ganiyan din sa ngayon. Kung gayon, ano ang kailangang gawin ng mga tao para tumanggap ng makasagisag na marka para sa kaligtasan? Kailangan nilang tumugon nang positibo sa pangangaral na isinasagawa ngayon, magbihis ng Kristiyanong personalidad, mag-alay kay Jehova, at matapat na sumuporta sa mga kapatid ni Kristo. (Mat. 25:35-40) Ang mga gagawa nito ay tatanggap ng marka para sa kaligtasan sa dumarating na malaking kapighatian.

      2. Sa makabagong-panahong katuparan, ang lalaking may tintero ng kalihim ay kumakatawan kay Jesu-Kristo, ang di-nakikitang maglalagay ng marka sa mga makaliligtas. Tatanggap ng marka ang malaking pulutong kapag nahatulan na sila bilang tupa sa panahon ng malaking kapighatian. Dahil dito, mapapahanay sila sa mga tatanggap ng buhay na walang hanggan dito sa lupa.—Mat. 25:34, 46.b

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Hunyo
    • a Nakaligtas si Baruc (ang kalihim ni Jeremias), si Ebed-melec na Etiope, at ang mga Recabita, kahit hindi sila tumanggap ng nakikitang marka sa kanilang noo. (Jer. 35:1-19; 39:15-18; 45:1-5) Ang natanggap nila ay makasagisag na marka para sa kaligtasan.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Hunyo
    • b Ang tapat na mga pinahiran ay hindi kailangang tumanggap ng markang ito para sa kaligtasan. Sa halip, tatanggapin nila ang kanilang pangwakas na pagtatatak bago sila mamatay o bago magsimula ang malaking kapighatian.—Apoc. 7:1, 3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share