-
“Markahan Mo sa Noo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
7, 8. Paano isasagawa ng mga lalaking may sandatang pandurog ang atas nila, at ano ang nangyari sa pagtatapos ng pangitain?
7 Pero paano isasagawa ng anim na lalaking may sandatang pandurog ang atas nila? Narinig ni Ezekiel ang utos sa kanila ni Jehova: Sundan ang lalaking may tintero at patayin ang lahat maliban sa mga may marka sa noo. “Magsimula kayo sa santuwaryo ko,” ang sabi ni Jehova. (Ezek. 9:6) Magsisimula sila sa mismong templo, na hindi na sagrado para kay Jehova. Una nilang papatayin ang “matatandang lalaki na nasa harap ng bahay”—ang 70 matatandang lalaki ng Israel na nasa templo at naghahandog ng insenso sa huwad na mga diyos.—Ezek. 8:11, 12; 9:6.
-
-
“Markahan Mo sa Noo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
9, 10. Sino ang ilan sa mga tapat na nakaligtas sa pagwasak sa Jerusalem, at ano ang masasabi natin tungkol sa kanila?
9 Basahin ang 2 Cronica 36:17-20. Natupad ang hula ni Ezekiel noong 607 B.C.E. nang wasakin ng hukbo ng Babilonya ang Jerusalem at ang templo nito. Gaya ng “kopa sa kamay ni Jehova,” ginamit niya ang mga Babilonyo para ipainom sa di-tapat na Jerusalem ang galit niya. (Jer. 51:7) Pinatay ba ang lahat? Hindi. Inihula sa pangitain ni Ezekiel na may ilang makaliligtas.—Gen. 18:22-33; 2 Ped. 2:9.
10 Nakaligtas ang ilang tapat na indibidwal, kasama na ang mga Recabita, ang Etiope na si Ebed-melec, ang propetang si Jeremias, at ang kalihim nitong si Baruc. (Jer. 35:1-19; 39:15-18; 45:1-5) Batay sa pangitain ni Ezekiel, masasabi nating sila ay “nagbubuntonghininga at dumaraing dahil sa lahat ng kasuklam-suklam na bagay” na ginagawa sa Jerusalem. (Ezek. 9:4) Bago ang pagkawasak, malamang na ipinakita nilang kinasusuklaman nila ang kasamaan at naninindigan sila sa dalisay na pagsamba. Dahil dito, puwede silang makaligtas.
11. Kanino lumalarawan ang anim na lalaking may sandatang pandurog at ang lalaking may tintero ng kalihim?
11 Literal bang minarkahan ang mga tapat na iyon? Walang ulat na talagang lumibot sa Jerusalem si Ezekiel o ang sinumang propeta para maglagay ng marka sa noo ng mga tapat. Kaya lumilitaw na ang isinisiwalat sa pangitain ni Ezekiel ay ang ginagawa ng mga anghel, at hindi ito nakikita ng mga tao. Ang lalaking may tintero ng kalihim at ang anim na lalaking may sandatang pandurog ay lumalarawan sa tapat na espiritung mga nilalang, na laging nakahandang gawin ang kalooban ni Jehova. (Awit 103:20, 21) Tiyak na ginamit ni Jehova ang mga anghel para pangasiwaan ang paglalapat ng hatol sa di-tapat na mga taga-Jerusalem. Tiniyak ng mga anghel na walang tapat na madadamay sa pagkapuksa, na para bang naglagay sila ng marka sa noo ng mga ililigtas.
-