Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Nagsimula Akong Makakita ng mga Pangitain Mula sa Diyos”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 15. Ano ang napansin ni Ezekiel tungkol sa laki at hitsura ng mga gulong?

      15 Napahanga si Ezekiel sa laki ng mga gulong. Isinulat niya: “Napakataas ng mga gulong kaya talagang kamangha-mangha ang mga ito.” Maiisip natin si Ezekiel na tumingala pa para makita ang napakalaki at nagniningning na mga gulong na parang halos umabot na sa langit. At idinagdag niya: “Ang apat na gulong ay punô ng mata.” Pero ang talagang kapansin-pansin ay ang kakaibang hitsura ng mga gulong. Sinabi niya: “Ang hitsura ng mga gulong ay gaya ng gulong sa loob ng isa pang gulong.” Ano ang ibig sabihin nito?

  • “Nagsimula Akong Makakita ng mga Pangitain Mula sa Diyos”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 17 Sa laki ng mga gulong, malayo ang nararating ng mga ito kahit sa isang pag-ikot lang. Ang totoo, ipinapahiwatig sa pangitain na ang sasakyan ay simbilis ng kidlat! (Ezek. 1:14) Isa pa, lumilitaw na madaling maniobrahin ang sasakyan dahil sa mga gulong na kayang tumakbo sa anumang direksiyon nang walang kahirap-hirap—mga gulong na pangarap lang ng mga engineer! Kayang magbago ng direksiyon ng sasakyang ito nang hindi bumabagal o bumabaling. Pero hindi ito kumikilos nang hindi isinasaalang-alang ang nasa paligid nito. Dahil punô ng mata ang mga gulong, ibig sabihin, alam na alam ng sasakyan ang nangyayari sa buong palibot nito, sa lahat ng direksiyon.

      Mga gulong sa pangitain ni Ezekiel

      Pagkalaki-laki ng mga gulong at napakabilis ng mga ito (Tingnan ang parapo 17)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share