-
“Maglalaan Ako . . . ng Isang Pastol”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
5. Ano ang buod ng palaisipan?
5 Basahin ang Ezekiel 17:3-10. Ito ang buod ng palaisipan: Pinutol ng isang “malaking agila” ang supang na nasa pinakatuktok ng punong sedro at inilagay “sa isang lunsod ng mga negosyante.” Pagkatapos, kumuha ang agila ng “ilang binhi ng lupain” at itinanim ito sa matabang lupa “sa tabi ng katubigan.” Sumibol ang binhi at naging “gumagapang na punong ubas.” Pagkatapos, may ikalawang “malaking agila” na dumating. “Agad na iniunat” ng punong ubas ang ugat nito patungo sa ikalawang agila sa kagustuhang maitanim sa iba pang lugar na nadidiligang mabuti. Hindi natuwa si Jehova sa ginawa ng punong ubas, at ipinahiwatig niyang bubunutin ang ugat nito at “lubusan itong matutuyot.”
Kumakatawan kay Haring Nabucodonosor ng Babilonya ang unang malaking agila (Tingnan ang parapo 6)
6. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng palaisipan.
6 Ano ang ibig sabihin ng palaisipan? (Basahin ang Ezekiel 17:11-15.) Noong 617 B.C.E., ang Jerusalem ay kinubkob ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya (ang unang “malaking agila”). Pinutol, o inalis, niya sa trono ang hari ng Juda na si Jehoiakin (ang ‘supang na nasa pinakatuktok’) at dinala sa Babilonya (“isang lunsod ng mga negosyante”). Iniluklok ni Nabucodonosor si Zedekias (isa sa mga “binhi ng lupain,” o isang maharlikang supling) sa trono sa Jerusalem. Ang bagong haring ito ng Juda ay pinanumpa sa pangalan ng Diyos na siya ay magiging tapat na basalyong hari. (2 Cro. 36:13) Pero hinamak ni Zedekias ang pangako niya; nagrebelde siya sa Babilonya at humingi ng tulong para sa pakikipagdigma mula sa Paraon ng Ehipto (ang ikalawang “malaking agila”), pero hindi naman ito nakatulong. Hinatulan ni Jehova si Zedekias dahil hindi niya tinupad ang pangako niya. (Ezek. 17:16-21) Nang bandang huli, inalis si Zedekias sa trono at namatay sa bilangguan sa Babilonya.—Jer. 52:6-11.
-
-
8A Hula Tungkol sa Mesiyas—Ang Magandang Punong SedroIbinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
3. Nagrebelde si Zedekias kay Jehova at humingi ng tulong sa Ehipto
-