Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Napopoot si Jehova sa Kawalang-Katarungan
    Ang Bantayan—2012 | Agosto 1
    • “ANG tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (Eclesiastes 8:9) Ang mga salitang iyan, na isinulat mga 3,000 taon na ang nakararaan, ay tamang-tamang paglalarawan sa kalagayan ng daigdig natin sa ngayon. Ang mga tao, sinuman o tagasaan man sila, ay may tendensiyang umabuso sa kapangyarihan. Kadalasan pa, binibiktima nila ang mahihina at mga dukha. Ano kaya ang nadarama ni Jehova sa gayong kawalang-katarungan? Malalaman natin ang sagot sa Ezekiel 22:6, 7, 31.​—Basahin.

  • Napopoot si Jehova sa Kawalang-Katarungan
    Ang Bantayan—2012 | Agosto 1
    • Pagkatapos, tinuligsa rin ni Ezekiel hindi lang ang mga lider, kundi pati na ang mga tumulad sa kanilang pagsuway sa Kautusan ni Jehova. “Ang ama at ang ina ay hinamak nila,” ang sabi ni Ezekiel. (Talata 7) Dahil hindi nila kinilala ang posisyong ibinigay ni Jehova sa mga magulang, sinira ng bayan ang pundasyon ng bansa​—ang matatag na pamilya.​—Exodo 20:12.

      Sinamantala ng mga tiwaling tao ang kahinaan ng iba. Tuwing sinusuway nila ang Kautusan ng Diyos, winawalang-halaga nila ang pag-ibig sa likod nito. Halimbawa, ayon sa Kautusan ng Diyos, dapat magpakita ang mga Israelita ng pantanging konsiderasyon sa mga di-Israelitang naninirahang kasama nila. (Exodo 22:21; 23:9; Levitico 19:33, 34) Pero “gumawi [ang bayan] nang may pandaraya” sa mga naninirahang dayuhan.​—Talata 7.

      Minaltrato rin nila ang mga walang-kalaban-laban​—“ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo.” (Talata 7) Talagang pinagmamalasakitan ni Jehova ang mga ulila o balo. Ipinangako ng Diyos na siya mismo ang magpaparusa sa mga umaapi sa mga ito.​—Exodo 22:22-24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share