Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ohola
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • OHOLA

      [Ang Kaniyang Tolda [ng Pagsamba]].

      Inilalarawan ng Ezekiel kabanata 23 ang Samaria (kumakatawan sa sampung-tribong kaharian ng Israel) bilang ang patutot na si Ohola, ang nakatatandang kapatid ni Oholiba, kumakatawan sa Jerusalem (ang kaharian ng Juda). Ang bagay na ang sampung-tribong kaharian ay nagtatag ng sarili nitong mga sentro ng pagsamba ay maaaring ipinahihiwatig ng pangalang Ohola, “Ang Kaniyang Tolda [ng Pagsamba].” Ang kaniyang espirituwal na pagpapatutot ay nagsimula sa Ehipto at nagpatuloy sa Lupang Pangako. Nang dakong huli ay nasangkot na rito ang panunuyo niya sa mga Asiryano at ang pagsasagawa ng karumal-dumal na idolatrosong mga gawain, kabilang na ang paghahain ng mga anak. Dahilan sa kawalang-katapatan nito sa kaniya, ibinigay ni Jehova si Ohola (ang hilagang kaharian) sa mga kamay ng mga Asiryano, na mga mangingibig nito.

  • Oholiba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • OHOLIBA

      [Ang Aking Tolda [ng Pagsamba] ay Nasa Kaniya].

      Sa Ezekiel kabanata 23, ang kawalang-katapatan ng Jerusalem kay Jehova ay inilalarawan sa alegoriya hinggil sa patutot na si Oholiba. Waring ipinahihiwatig ng kahulugan ng pangalang Oholiba ang bagay na ang tolda, o santuwaryo, ni Jehova ay nasa kaniyang teritoryo. (Ihambing ang OHOLA.) Gayunman, sa halip na pahalagahan ito at isapuso ang kaparusahan na sumapit sa kaniyang kapatid na si Ohola (Samaria) dahil sa kawalang-katapatan, hindi lamang ipinagpatuloy ni Oholiba ang rekord ng kataksilan na pinasimulan sa Ehipto kundi gumawi siya nang masahol pa sa kaniyang kapatid. Nagsagawa siya ng idolatriya nang malawakan at nagkaroon ng pulitikal na pakikisangkot sa mga Asiryano at mga Babilonyo. Dahil dito ang kaniyang dating mga mangingibig, ang mga Babilonyo, ay inihulang darating laban sa kaniya at gagawin siyang “bagay na katatakutan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share