-
15A Ang Magkapatid na Babaeng BayaranIbinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
Ang Magkapatid na Babaeng Bayaran
Sa Ezekiel kabanata 23, mababasa natin ang pagtuligsa sa bayan ng Diyos dahil hindi sila naging tapat. Maraming pagkakatulad sa kabanata 16 ang kabanatang ito. Ginamit din dito ang ilustrasyon tungkol sa prostitusyon. Ang Jerusalem at Samaria ay magkapatid; ang Samaria ang nakatatanda. Ginaya ng nakababata ang nakatatanda sa pagiging babaeng bayaran, pero naging mas masahol pa siya rito sa kasamaan at imoralidad. Sa kabanata 23, pinangalanan ni Jehova ang magkapatid: si Ohola ang nakatatanda—lumalarawan sa Samaria, ang kabisera ng 10-tribong kaharian ng Israel; at si Oholiba ang nakababata—lumalarawan sa Jerusalem, ang kabisera ng Juda.a—Ezek. 23:1-4.
-
-
15A Ang Magkapatid na Babaeng BayaranIbinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
a Makahulugan ang pangalan nila. Ang Ohola ay nangangahulugang “Ang Kaniyang Tolda [ng Pagsamba]”—malamang na ginamit ito dahil ang Israel ay nagtayo ng sariling mga sentro ng pagsamba imbes na pumunta sa templo ni Jehova sa Jerusalem. Ang Oholiba naman ay nangangahulugang “Ang Aking Tolda [ng Pagsamba] ay Nasa Kaniya.” Nasa Jerusalem ang bahay ng pagsamba ni Jehova.
-