Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Bibigyan Ko Sila ng Iisang Puso”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 36, 37. Anong mga pangako ang matutupad sa Paraiso?

      36 Pagkatapos ng digmaan ng Armagedon, magiging saklaw na ng gawaing pagbabalik ni Jesus ang pisikal na lupa. Sa kaniyang Sanlibong Taóng Paghahari, pangangasiwaan niya ang sangkatauhan para ang buong planetang ito ay maging gaya ng hardin ng Eden, isang paraiso, gaya ng orihinal na layunin ni Jehova! (Luc. 23:43) Magkakaisa ang lahat ng tao, at aalagaan nila ang lupa. Wala nang panganib kahit saan. Isipin ang panahon na matutupad na rin ang pangakong ito: “Makikipagtipan ako sa kanila para sa kapayapaan, at aalisin ko sa lupain ang mababangis na hayop, para makapanirahan sila sa ilang nang panatag at makatulog sa mga gubat.”—Ezek. 34:25.

      37 Isipin mo, makakapunta ka na saanman sa malawak na mundong ito nang hindi natatakot. Hindi ka sasaktan ng mga hayop. Payapa sa lahat ng lugar. Kahit mag-isa ka, makakapaglakad ka sa gubat para pagmasdan ang kagandahan nito. Makakatulog ka pa nga roon nang mahimbing dahil sigurado kang walang masamang mangyayari sa iyo!

      Isang batang babae na natutulog sa gubat sa Paraiso at hindi natatakot sa mga hayop

      Isipin ang panahong puwede kang ‘matulog sa mga gubat’ nang ligtas (Tingnan ang parapo 36, 37)

  • “Bibigyan Ko Sila ng Iisang Puso”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share