Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • “Nagsimulang Magdugtong-dugtong ang mga Buto”

      10. (a) Ano ang inihula tungkol sa bayan ng Diyos sa Ezekiel 37:7, 8? (b) Ano ang ilang dahilan kung bakit unti-unting bumalik ang pananampalataya ng mga Judiong may takot sa Diyos?

      10 Inihula ni Jehova noon na unti-unting ibabalik, o ‘mabubuhay,’ ang bayan niya. (Ezek. 37:7-10) Ano ang ilang dahilan kung bakit unti-unting bumalik ang pananampalataya ng mga Judiong may takot sa Diyos na makakabalik sila sa Israel? Malamang na isa rito ang mga hula ng mga propetang nauna kay Ezekiel. Halimbawa, inihula ni Isaias na may ilang matitira, “isang banal na binhi,” na babalik sa lupain. (Isa. 6:13; Job 14:7-9) Siguradong nagbigay rin ng pag-asa ang maraming hula ni Ezekiel tungkol sa pagbabalik. At tiyak na lalo pang tumibay ang pag-asa ng mga ipinatapon dahil kasama nila sa Babilonya ang mga tapat, gaya ni propeta Daniel, at dahil na rin sa pagbagsak ng Babilonya noong 539 B.C.E.

      Si Brother Russell at ang mga kasamahan niya

      KAHON 10A: Unti-unting Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba

      11, 12. (a) Paano unti-unting ibinalik ang “Israel ng Diyos”? (Tingnan din ang kahong “Unti-unting Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba.”) (b) Anong tanong ang bumabangon tungkol sa Ezekiel 37:10?

      11 Paano rin unti-unting ibinalik ang “Israel ng Diyos,” ang pinahirang kongregasyong Kristiyano? Maraming siglo nang bihag sa espirituwal ang bayan ng Diyos nang ‘may marinig na ingay, may kalampag’; nangyari ito nang ang mga may takot sa Diyos ay manindigan para sa dalisay na pagsamba. Halimbawa, noong ika-16 na siglo, isinalin ni William Tyndale ang Bibliya sa wikang Ingles. Nagalit ang klero ng Romano Katoliko dahil mababasa na ng karaniwang mga tao ang Bibliya. Pinatay si Tyndale. Pero lakas-loob na ipinagpatuloy ng ilan ang pagsasalin ng Bibliya sa iba pang wika, at unti-unting suminag ang espirituwal na liwanag sa madilim na mundong ito.

  • 10A Unti-unting Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
      • Isinasalin ni William Tyndale ang Bibliya

        “May kumakalampag”

        Isinalin ni William Tyndale at ng iba pa ang Bibliya sa Ingles at sa iba pang wika

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share