Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Marso
    • Una, pansinin na ang mga buto ay inilarawan na “natuyo” o “tuyung-tuyo.” (Ezek. 37:2, 11) Ipinahihiwatig nito na matagal nang patay ang mga may-ari nito. Ikalawa, ang pagsasauli ay inilarawan na unti-unting nagaganap, hindi biglaan. Sa umpisa, may kumakalampag na ingay, at “ang mga buto ay nagsimulang magkalapit, buto sa kaniyang kapuwa buto.” Pagkatapos, ang mga ito ay nagkaroon ng “mga litid at ng laman.” Sumunod, ang mga buto, litid, at laman ay natakpan ng balat. Nang maglaon, “ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila ay nagsimulang mabuhay.” Bilang panghuli, inilagay ni Jehova ang binuhay-muling bayan sa kanilang lupain. Lahat ng ito ay mangangailangan ng mahabang panahon.—Ezek. 37:7-10, 14.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Marso
    • Kumusta naman ang ikalawang pangyayari, ang pagsasauli? Kailan at paano ito naganap? Unti-unting nangyari ang espirituwal na pagsasauling ito. May kasama itong “kumakalampag” na ingay sa huling mga siglo bago ang panahon ng kawakasan. Bagaman malaki ang impluwensiya ng mga turo ng huwad na relihiyon nang panahong iyon, may tapat na mga indibiduwal na nanindigan sa tunay na pagsamba sa abot ng kanilang makakaya. Ang ilan sa kanila ay nagsalin ng Bibliya sa wika ng karaniwang mga tao. Ang iba naman ay naghayag ng mga katotohanang natutuhan nila mula sa Salita ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share